39: INTRAMURALS

336 17 0
                                    

Sinamaan ni Princess ng tingin si Kyle bago muling sulyapan kay Mikey.

"See you later Mikey."

"Yeah. See you."

Bahagya pa itong tumungo sa dalaga bago tumalikod. Sinundan naman ng masamang tingin ni Kyle ang binata hanggang sa tuluyan itong mawala.

"What is that Kyle Gabriel?" mataray na tanong ni Princess.

"Nagseselos siya Princess." singit ni Jethro kaya napatingin naman sa kanya ang dalaga.

"Nagseselos? Ang isang yan? Heller, sa sobrang attitude ng lalaking yan hindi yan magseselos." umiirap na sagot ni Princess saka naupo sa bakanteng upuan.

"Pangit niyong dalawa!" iritang sigaw ng binata at naglakad papalayo.

"Inlove ata." natatawang asar ni Dwight habang tinitingnan ang likuran ni Kyle.

Hindi napagilang ngumiti ni Quincy habang nakatingin sa kanyang kaibigan na taas na taas ang kilay. May nararamdaman siyang kakaiba sa dalawa ngunit hindi na lamang siya nagtanong pa.

Napatingin ang magkakaibigan ng may lumapit na grupo ng mga kababaihan sa kanila. Napakunot ang noo ng mga binata habang nakatingin sa kanila.

"Go-od morning guys. May iaabot lang sana kami sa inyo." nahihiyang wika ng babaeng nasa pinakaunahan.

"Kanino ba?" tanong ni Matthew.

"Sa inyong lahat." sagot naman ng babaeng nakayuko.

Nagkatinginan ang magkakaibigan bago tumayo.

"Wait a second." mahinang bulong ni Cameron bago sumunod sa mga ito.

Tumango-tango naman si Quincy at nginitian ang mga babaeng nandoon. Tinugunan rin naman ng ito ang ngiti niya bago sumulyap sa magkakaibigan na naglalakad.

"Ang dami talagang admires ni fafa Cameron tapos ikaw ang pinili. Ganyan ba ang alindog ng mga Constantino bestie?" natatawang bulong ni Princess at natawa rin naman doon ang dalaga.

"Hindi pa ba tayo sanay sa mga yan? Simula't sapol, famous na sila."

"Sabagay."

Umangat ang tingin ng dalawa ng tumigil si Kyle sa harapan nila. Taas na taas parin ang kilay nito habang nakatingin kay Princess. Mabilis na pinagkrus ng dalaga ang kanyang braso bago tugunan ang tingin nito.

"Tse!" parang babaeng asik nito at muling naupo sa kanyang bangko.

"Bakla!"

"Bakla mo mukha mo prinsesang nabulok."

Akmang tatayo si Princess ngunit agad naman siyang pinigilan ng nagtatawang kaibigan. Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi umirap-irap na lamang.

"Thank you for this." pasasalamat ni Calvin at sabay-sabay silang tumungo bilang pasasalamat sa mga ito.

"Oh gosh, lalo ata akong kinilig." pigil ngiting bulong ng isa mga dalaga.

Ngumiti na lamang si Cameron saka bumalik sa tabi ni Quincy. Pinatong niya ang gift na iyon sa lamesa na nasa likuran nila at biglang isinandal ang ulo sa dibdib ng kasintahan. Pinagsakop pa nito ang kanilang mga kamay bago ngumuti.

"I love you Cameron." matamis na bulong ng dalaga at hinalikan pa ang buhok nito.

"I love you too Baby." kagat-labing sagot ni Cameron. "Let's date after the game."

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now