CHAPTER SEVENTY NINE

194 9 1
                                    

Dahan-dahang bumukas ang mata ni Calvin at bumungad sa kanya ang madilim na kwarto at tanging ilaw lamang na nakatapat sa kanya ang nagsisilbing liwanag. Kaagad siyang napatingin sa kanyang sarili na noo'y nakatali ang kamay sa kanyang kinauupuan. May busal rin ang kanyang bibig kaya hindi niya magawang makapagsalita.

Pinilit niyang maging kalmado habang pinipilit na pag-aralan ang lugar. Wala siyang kahit anong makita doon kundi ang bangko at ilaw lamang. Pinilit niya ring magpupumiglas ngunit masyadong masikip ang pagkakatali sa kanya.

Narinig ng binata ang yabag ng sapatos papalapit sa kinaroroonan niya. Muli siyang nagpupumiglas hanggang sa bumukas ang pintuan. Masamang tingin agad ang pinukol niya sa binata na siyang sumuntok sa kanya. Nakangisi itong naglakad papalapit at inalis ang panyong nasa kanyang bibig.

"It's good that you're awake." nakangising wika nito.

"Who are you and why am I here?" galit na tanong ni Calvin habang nagpupumiglas.

"You’re close to Cameron Safstrom aren’t you? You are only here because we are going to play a game called hide and seek."

"You are no longer young to play hide and seek. What do you need from me?" kahit nakakaramdam ng takot, pinilit ni Calvin maging normal habang nakikipag-usap rito.

"We will not just play hide and seek. All you have to do is hide and when I find you, I will kill you."

"You think I'm scared of what you're saying? Kill me but be prepared when Cameron finds out about this thing."

Ngumisi si Vincent at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likuran. Dahan-dahang siyang naglakad paikot kay Calvin na wari mo'y nagmumuni-muni.

"Wouldn't it be nice if he knew your life was in danger now. By any chance, he will come here to save you but the question is if you two can still survive?"

Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Calvin. Nag-angat siya ng tingin kay Vincent bago magsalita.

"Do you know who you are up against? Cameron's family is not normal people, you never know what they can do to you."

"Well, maybe you're right. They will not enter the chamberlain society if they are just simple people." pagsang-ayon pa ng binata sa kanyang sinabi.

Muling sumeryoso ang mukha ni Calvin at palihim na tinanggal ang lubid na nakatali sa kanyang kamay.

"If you just kill me, don't prolong it because when I get out of here I will kill you." pagbabanta pa ni Calvin dahilan para humalakhak ang binata.

"Do you think you can kill?"

Kumuyom ang kamao ni Calvin at hindi na sumagot pa rito. Kung hindi lamang siya nakagapos sa upuan iyon ay kanina pa niya nasaktan ang binata.

"Vincent!" malakas na sigaw ng Isang matanda.

"Mr. Roa."

"Mr. Roa?" tanong sa sarili ni Calvin habang nakatingin sa bukas na pintuan.

Mabilis na naglakad si Roa sa kwarto kung nasaan si Calvin. Tumigil lamang ito sa kanyang paglakad ng magtama ang paningin nilang dalawa ng binata. Ngumiti ito ng paglaki-laki at lumapit kay Calvin.

"Nice to meet you Calvin Fernandez."

"I'm not glad to meet you." asik niya.

Nagkatinginan naman sina Vincent at Roa bago muling tiningnan ang binata.

"If you want to get out alive in this place, tell us all the information about Safstrom’s family." seryosong anas nito.

"You can’t get anything from me about their family because I don’t know either."

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now