"Goodnight Baby." mahinang wika ni Cameron.
Kapwa na silang matutulog ng kasintahan. Naging normal naman ang nagdaang araw o buwan matapos ang Intramurals. Naging busy rin ang mga ito sa sari-sarili nilang pag-aaral at tuluyan naring umalis sina Atticus at Xavia patungong France para asikasuhin ang kanilang darating na kasalan.
"Goodnight Cameron." nakangiting sagot ni Quincy.
Pumupungay na ang kanyang mata dahil sa sobrang antok. Pagod na pagod siya sa trabaho at gusto narin niyang magpahinga.
"Sleep now Baby. May trabaho ka pa bukas."
"Hmm. I love you."
"I love you too. I'll pick you up tomorrow okay?"
"Sige hihintayin kita."
"Hang it up Baby. I know you are tired and you want to rest."
Tumango-tango na lamang si Quincy at tuluyan ng pinatay iyon. Nakangiti niyang inilagay sa side table ang kanyang cellphone at tuluyan ng natulog.
Pangiti-ngiti naman ang binata habang nakatingin sa kisame. Nararamdaman na naman niya ang magugulong paru-paro sa loob ng kanyang tiyan. Huminga si Cameron ng malalim bago ipinikit ang kanyang mata.
*PHONE RINGING*
Mabilis na bumukas ang mata ni Cameron at tiningnan ang sariling cellphone. Akala niya ay si Quincy ang tumawag ngunit bahagya siyang natigilan ng makita ang unknown number na nag fla-flash sa screen ng kanyang cellphone.
Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba ito.
"Who's this?" bungad niya agad ng masagot ang tawag.
"We are here at the hospital, Eliana is about to give birth, Cameron." sagot ni Zanjoe sa kabilang linya.
"I'm coming." seryosong sagot ng binata at dali-daling pinatay ang tawag na iyon.
Mabilis niyang isinuot ang kanyang jacket at kinuha ang susi ng kanyang motor. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at kadiliman ang sumalubong sa kanya. Patay na ang lahat ng ilaw at natutulog narin ang kanyang pinsan. Alas onse na narin ng gabi. Nagtatakbo si Cameron sa garahe at dali-daling sumakay sa kanyang motor. Pinaharurot niya iyon hanggang sa makarating ng hospital.
Pagpasok na pagpasok pa lamang ng binata sa lobby, nakita niya si Zanjoe na nakaupo sa bench at mukhang hindi mapakali. Mabilis niyang nilapitan ang binata at umupo siya sa tabi nito.
"Where is she?"
Umangat ang tingin ni Zanjoe sa kanya. Dahan-dahan itong lumingon sa isang way na patungo sa delivery room kung nasaan ang dalaga.
Mabilis na tumayo ang dalawa para pumunta doon. Nasa malayo pa lamang ay rinig na rinig na nila ang sigaw ni Eliana dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Napansin ni Cameron ang pagkabalisa ng binata kaya kaagad niyang hinawakan ang balikat nito para pakalmahin.
"Kalmahan mo lang Zanjoe, safe ang mag-ina mo." nakangising aniya pa rito.
"Hindi ko na alam ang gagawin Cameron. Nag-aalala ako sa kanilang dalawa." kinakabahan wika nito habang ang tingin ay nasa loob ng delivery room.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Fiksi UmumCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
