Umugong ang malakas na sigawan ng mga istudyante ng muling manalo ang team nina Cameron. Masaya ang mga itong nakipagkamay sa isa't-isa bago bumalik sa kani-kanilang bench.
"Great job Cameron. Sana naman ay ganyan ka na hanggang sa finals." wika ng kanilang coach at ginulo pa ang buhok ng binata.
"Ganyan maglaro ang mga inspired!" proud na proud niya pang sagot bago tawanan ang mga kaibigan.
Umupo siya sa bench ng makuha ang kanyang tubig. Pinagmasdan niya ang mga taong isinisigaw ang kanyang pangalan. Unti-unting bumalatay sa kanyang mukha ang matamis na ngiti ng makita ang kasintahan na bumababa sa hagdanan. Kasama nito ang kaibigan na si Princess.
"Ang galing-galing niyo parin kahit mga pagod galing sa gala, wala paring kupas." ani Princess ng makalapit sa kanila.
"Hi baby." malambing na tawag ni Cameron at senenyasan pa ang kasintahan na maupo sa kanyang tabi.
"Galing maglaro ng basketball ang boyfriend ko." proud na wika ni Quincy.
Kinuha nito ang towel na nakapatong sa bag ni Cameron saka sinimulang punasan ang mukha nitong may pawis. Mas ngumuti pa ang binata habang pinagmamasdan ang dalaga.
"Alam mo kayong dalawa! Bakit hindi nalang kayo? Total parehas naman kayong isip bata." nakangiwing ani Dranreb habang nagpapalit-palit ang tingin kina Kyle at Princess.
"Eww. Hindi ko type tong si Kyle."
"Maka-eww ka naman! Akala mo type kita? Hindi no! Hindi kita papatulan Princess Noreen! Hindi ka gold at hindi tayo bagay sa isa't-isa! Yuck!" waring diring-diri na sagot pa ni Kyle bago taasan ng kilay ang dalaga.
"Sino naman nagsabi sayong papatulan rin kita?! Mag-aalaga nalang ako ng aso kesa mag-alaga sayo!"
"Alam niyo, diyan nagsimula ang mama't papa ko. Sa sobrang hate nila sa isa't-isa, ayun nabuo ako." nakangiwing ani Javion.
"YUCKS!" sabay na sigaw ng dalawa.
Nagkatinginan ang mga ito ng halos limang segundo bago sabay na tumawa na parang nakatakas sa mental hospital.
"Bagay nga sila." pagsang-ayon pa ni Dwight.
"Wala na kayong game?" tanong ni Quincy ng matapos niyang punasan ang mukha ng binata.
"Wala na. Bukas ang laban ulit namin, isa sa umaga, isa sa hapon." paliwanag ni Cameron ng hindi naalis ang tingin sa mata ni Quincy.
"I love you."
"I love you too."
Hinawakan ni Cameron ang kanyang kamay, inalis nito ang hawak-hawak na towel at tumagilid pa para maging maayos ang pagkakahiga niya sa hita ni dalaga. Unti-unting nawawala ang pagod na nararamdaman niya sa tuwing malapit sa kanya ang dalaga.
"Cameron." tawag niya pero hindi manlang ito gumalaw sa pagkakahiga.
Napatingin siya sa paligid at marami ang nakatingin sa kanila dahilan para maramdaman niya ang bahagyang hiya. Muli na lamang siyang tumungo at sinimulang hagurin ang buhok ni Cameron.
"Bebe time na naman ang dalawang to." naiingit na wika ni Matthew habang nakanguso sa kanilang dalawa.
"Baliw na yang si Insan. Hayaan niyo na at ngayon lang nagmahal." nang-aasar na sagot pa ni Javion bago ito tabihan.
Hindi na iyon pinansin pa ni Cameron, pinikit niya ang kanyang mga mata saka inamoy-amoy ang dalaga. Adik na adik na siya sa amoy ni Quincy, babaeng-babae.

YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...