Chapter 01: Big City
Klenton's Point Of View
Mahirap ang buhay. Lagi na lang tag-gutom. Tila wala itong katapusan.
Hindi ko man gustong tanggapin pero ito na ang sitwasyon ko mula nung ako ay maulila.
Halos minu-minuto kumakalam ang sikmura mo. Halos oras-oras kang nahihilo sa sobrang gutom mo. At halos gabi-gabi ka ring naginginig sa ginaw tuwing sasapit ang kailaliman ng gabi.
Nakakainis ang ganitong buhay. Wala kang normal na tirahan. Wala kang kakilalang pwede mong mapaghingan ng tulong sa iyong kagipitan.
Naranasan ko ang lahat ng ito dalawang taon na ang nakalilipas mula no'ng mamatay ang mga magulang namin ng kapatid ko.
Apat na taon ang agwat ng edad namin at 12 years old na siya mula no'ng mawala sa 'min ang mga magulang namin. Ibig sabihin, 17 years old na ako sa mga oras na 'yon. O mas tamang sabihin na 17 years old pa lamang ako no'ng oras na 'yon.
Ang hirap mawalan ng minamahal. Lalo na kung sa murang edad mo pa talaga mararanasan ang habambuhay na maulila.
Simple lang naman ang dahilan, kung bakit naging ganito ang buhay namin ng kapatid ko.
Mula kasi no'ng natapos ang libing ng aming magulang tila ba'y inangkin na ng mga tiyuhin at mga pinsan ng ama ko ang lahat ng ari-arian na meron sa bahay namin.
Pati 'yong mga pamana sana samin ng kapatid ko, pinroseso din nila at matagumpay naman nila itong nakamkam ng mga masasakim nilang kamay.
Gusto ko silang pagalitan at pigilan. At totoong ginawa ko nga 'yon pero. Hindi nila ako pinakinggan at tuluyan pa kaming naipalayas dalawa ng kapatid ko sa sariling bahay naming 'yon at hinayaan lamang kaming magdala ng kahit anong gamit ang pwede naming kunin at tanging kunting damit lamang ang aming nadala. Do'n na nagsimula ang letseng pamumuhay namin sa gilid ng kalsada at sa bawat mababahong kalye.
Mayaman ang pamilya namin pero lahat 'yon nabura, nang dahil lamang sa isang nakakairitang pangyayaring 'yon.
Pinalabas lamang nilang lahat na kusa raw kaming lumayas sa bahay at hindi na matagpuan pa. Dinagdagan pa nila ng isang kasinungalingang bagay na baka ay patay na raw kami sa mga oras na ito dahil dalawang linggo na nga raw nila kaming hinahanap, mula no'ng libing ng ama at ina namin.
Kasinungalingan. Puro kasinungalingan. Mga sinungaling silang LAHAT! Puro pera lang ang nasa isip nila. Pati yata puso nila binabalot lamang ng pera. Pati siguro dugo at lamang loob sa katawan nila gawa rin sa pera.
Makalipas ang isang taon.
"Magnanakaw! Magnanakaw ang batang 'yan pigilan nyo!"
Isang sigaw na narinig ko mula sa isang matandang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga tindero sa palengke sa Old town na ito.
May hinahabol siyang isang bata na may dala dalang tinapay sa kamay at no'ng mamataan ko kung sino siya, kaagad ko rin namang nabitiwan ang malaking basket na puno ng kamatis sa braso ko at hinabol ito.
May suot suot itong red jacket na may brown tshirt at may nakatakip na black face mask sa mukha niya at tinakip sa ulo ang black hoodie ng jacket niya.
Kainis talaga ang batang 'to! Hindi na natuto.
Mabilis akong tumatakbo habang mabilis na iniilagan ang bawat taong nakakasalubong ko sa daan. Kahit sa sobrang sikip na espasyo ay mabilis ko pa ring naisisiksik ang katawan ko nang walang naaabalang tao.
"Pigilan nyo 'yan! Magnanakaw!" Naririnig ko pa rin ang sigaw no'ng lalaki habang bumabagal na ang kaniyang takbo dahil na rin sa katabaan niya at mabilis niyang nakakabanggaan ang mga tao sa daan kaya't mas lalo itong bumabagal at nagiging imposible na nitong mahabol pa ang batang sinasabi niyang magnanakaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/290814506-288-k231719.jpg)
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...