Chapter 34: What Are You Doing?
Klenton's Point Of View
'And wow! That ended our first match for this night. Once again, Lancaster squad advances to the next round. Let's all give them a big round of applause ladies and gentlemen.'
Nagsimula nadin ang second match 'di katagalan nun at habang pinapanood namin ito, hindi talaga maiwasang magtanong si Ashia dahil duda pa rin talaga siya sa plano naming gawin. "Nagjo-joke kalang, Captain. Hindi ba? Hindi mo naman gustong ipahamak ang team natin."
"I'm doing this for our team. Ano bang masama kung may bata man tayong kasama?" saad kopa rito pilit pinaglalaban na manatili si Niko sa amin.
"Kuya. Mukhang nagkamali yata kayo ng kinuha. Hindi po ako nababagay sa team nyo. Bata lang po ako at walang sapat na experience pagdating sa ganito kalaking contest. Hindi pa po ako ready."
Nilingon ko naman si Niko nang sabihin niya yun. Malungkot ang mukha niya. But instead of shooing him out mas pinili ko itong ngitian. "Pareho lang tayong walang experience so mahirap din 'to sa'kin. 'Wag mong isiping hindi lang ikaw ang kabado dito. Dahil ganun din ako."
"Pero ayaw nila sakin."
"Ayaw din ng Kuya mo sayo diba?" natigilan siya nang sabihin ko yun. Gulat niya akong inangatan ng tingin mula sa kanyang gilid na para bang 'di talaga niya inasahang malalaman ko ang sikretong bagay nayun. "narinig kita at ng Kuya mo na nag-uusap kanina bago ang match nila. You worked hard para tanggapin ka nila and I'm one of your witness kung gaano ka kagaling maglaro."
Sabay muli siyang napaurong at napayuko ng tingin. "Pero anumang sabihin nyo. Hindi niya pa rin ako tanggap sa squad niya. Medyo nasanay na ako dun kaya ayos lang."
"Naku, hindi kailanman naging ayos ang bagay nayun no." biglang sumabat si Kristel kaya't napalingon ako rito.
"Idol ko dati si Lenjin dahil mahusay talaga siya, but now that I know kung gaano siya kasalbahi sa kapatid niya parang nasusuka ako. Pasensy na kung sasabihin ko 'to pero napakasama talaga ng Kuya mo." 'di rin maiwasang hayag ni Peniron ng opinyon niya.
Dahil dun ay napayuko nalang na walang imik si Niko sa kanyang upuan. Nalilito siya. Kaya't ganun din ang nararamdaman namin. The second match ended with another applause kasabay napansin namin ang pagtayo ni Niko sa kanyang upuan.
"Pasensya napo talaga. Pero hindi po talaga tama 'to aalis napo ako." tapos ay tumalikod na siyang inabot ang seradura ng pinto kaya't napatayo din ako.
"Sandali." pigil ko rito pero nabuksan na niya ang pinto. But before he can even step out biglang sumalubong sa kanya ang kapatid kong si Joelle. Natigilan at nagulat sila pareho nang magkapalitan ng tingin sa isa't-isa.
And seconds later bigla silang tila nagkakilala at naalala ang isa't-isa na para bang matagal na silang magkakakilala.
"Joelle?"
"Niko?"
Saad nila sa pangalan ng isa't-isa kaya't kami naman ngayong tatlo ang napakunot ang noo. "Magkakakilala ba sila?" bulong ni Ashia.
"Baka magka-classmate." dugtong din naman ni Kristel.
At habang nagsisimula na din ang third match ngayon napag-alaman kong tama ang hinala ni Kristel na pumapasok sa iisang classroom si Joelle at itong si Niko sa school nila.
"Kung ganun, kasali ka sa squad ng Kuya ko?"
"Mukhang ganun na nga. Pero parang hindi rin ako tutuloy."
"Bakit naman? Diba sabi mo noon kailangan mong ipakita sa Kuya Lenjin mo ang lakas mo para tanggapin ka niya sa squad niya? Ito na ang tamang pagkakataon nayun. Gamitin mo ang squad ng DarkPinion ngayon para ipakita sa Kuya mo nayun ang lakas mo. Pagkatapos nun, umalis kana sa kanila at dun kana sa Kuya mo dahil sure akong tatanggapin ka na niya dun matapos mong magpakitang gilas." saad ni Joelle sa kaibigan kaya't nagulat kami pero natatawa din.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...