Chapter 66: Battle At The Floating Stages Part 4
Klenton's Point Of View
55 seconds left. Pero hindi pa rin namin ito natatalo o nalalagpasan.
"Kainis! Hindi maganda 'to." bulong ni Peniron na nasa aking likuran.
"Gamitin mo kaya ang switch." suhestyon ni Kristel habang ginagamot si Peniron sa likod. Nakikipaglaban sina Niko at Ashia ngayon sa ibang nasa paligid lang din. "pabalik na ang ibang soldiers dito."
Nang sabihin yun ni Kristel bigla kaming napatingin sa iisang direksyon at nakita ang napakaraming mga soldiers. Mabibilis din silang tumatakbo at tumatalon sa mga stages papalapit dito.
"Captain, tingnan mo." tinuro ni Peniron ang bandang ibabaw ng mga soldiers nayun at nagulat sa aking nakita.
Napuno ng itim na kulay ang bahaging yun at kaagad namalayan ang mabibilis na pagbulusok ng libo-libong arrows din patungo sa amin.
With that kind of attack, imposibleng makaligtas kami kung hindi kami nakapasok sa isang barrier or shield against hundreds of explosives.
Medyo malayo sina Niko at Ashia sa pwesto namin kaya't kaagad na nga akong tumakbo papalapit sa kanila.
Sumunod din sina Peniron at Kristel. "Malapit na!" sigaw ni Peniron at napapansin ko ngang natatakpan na kami ng kumpol na anino ng mga palasong yun.
Kaya't mas binilisan pa namin ang paglilipat-lipat ng stages makarating lang ng less than three seconds sa dalawang kasamahan namin.
"Kayong dalawa!" sigaw ni Peniron kina Ashia at Niko. Napansin kami kaagad nila kasabay napatingala ring nagulat sa nasasaksihan nila.
May tumatama ng palaso sa bawat madaanan naming stages kahit sa bandang gilid namin ay may sunod-sunod naring bulusok kaming napapansin. Some of them even exploded kaya't minabuti nalang naming ituon ang atensyon sa pagtakbo.
Sumalubong sina Niko at Ashia sa amin at nung sandaling nakatalon na sana kaming lima sa iisang stage, hindi rin kami nakapagkumpol kaagad dahil biglaan ring lumitaw yung black giant soldier sa mismong gitna ng stage na ito.
"Paano yan nakahabol?!" gulat na sigaw ni Kristel habang nasindak din kaming lahat na napatigil sa pagkilos.
At wala na nga kaming nagawa kundi ang mapatalon narin paalis nung malakas ding hinambalos nito ang stage at kaagad na nawasak at gumuho.
Nakabalik kami nina Kristel at Peniron sa huling stage na tinalunan namin habang sina Niko at Ashia nama'y dun din ang naging pwesto nila. Nakaalis nga ang giant soldier nayun bago pa ito masama sa pagguho ng stage.
Pero kasabay naman nun, biglang lumitaw din si Ashia sa bandang uluhan ng giant soldier nayun na balot na balot ng enerhiya. "Kanina pa ako nag-iipon ng mana power para lang sa oras na'to kaya't tanggapin mo!"
Sigaw nya't gamit ang kanang kamao mabilis nya itong ipinabulusok ng suntok pababa sa mismong bunbunan ng giant soldier. Kumawala ang napakalakas na shockwave nagpabitak din hindi lang sa helmet ng giant soldier nayun kundi pati din sa mismong stage na kinatatayuan nito.
Gumuho ang bahaging yun ng stage nang kasing bilis din ng kidlat na tumagos ang giant soldier nayun doon diretso sa mga tinik sa ibaba.
Sabay nakalapag si Ashia sa natitirang nakalutang na bahagi ng stage nayun na putol ang kanang braso dahil sa sobrang lakas na suntok na ginawa nito, at bago pa yun tuluyang gumuho din mabilis na nilapitan sya ni Niko at buong lakas na inakay at sabay silang tumalon doon paalis. Pinigilan ako ni Peniron na puntahan sila dahil sa naiharang na nya kaagad ang red barrier para sa aming tatlo dahil sunod-sunod naring bumabagsak ang mga palaso mula sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...