Episode #100: Flags War Part 3

160 29 9
                                    

Chapter 100: Flags War Part 3

Klenton's Point Of View

In just a span of ten seconds, almost 33 crows na ang naabutan at napatay nila. Pero hindi ako tumigil hanggang sa magawa ko rin silang malito sa pamamagitan nang pagtago sa mga sanga, sa mga dahon at sa lilim ng mga malalaking ugat ng puno.

Nang masiguro kong nakalayo na sila sa paligid, mabilis akong lumipad paitaas at tinuloy ang paghahanap sa pinuno nila, flying over the top of these trees.

Hanggang sa napansin ko rin hindi kalayuan ang isa pang malaking tower. Few meters na lang ang distansya nito sa amin.

That explains everything. Ibig sabihin, hindi lang iisa kundi marami ang safe zone na nakakalat sa buong arena.

Mahirap maging ignorante sa larong ito. We will be deemed as losers if hindi kami kaagad makakapag-adjust dito. At nangyari pa ang ganito.

Nakaharap lang naman namin ang World Champion captain sa larangan ng Game Online Tournament.

Minamalas talaga kami. Akala namin okay na ang lahat kanina.

Natigil ako sa pag-iisip nang maaninag ko rin ang lalaking 'yon. He's running fast towards the tower ahead.

Bakit hindi nya inisip pumunta sa tower kanina? Medyo choosy din pala sila kahit sa safe zones eh pare-pareho lang naman 'yon.

I dived down as I'm fixated to block him. Pero kahit muling nabuo ang katawan ko from crows sa harapan nya, hindi sya nagpadala sa gulat at tinuloy pa rin ang mabilis na pagtakbo.

"Kaasar!" bulong ko nang makalagpas nga ito sa gilid ko't lagpas limang metro na agad ang nailayo sa akin ng gano'n kabilis.

Pero sa pangalawang pagkakataon, may pigurang humarang sa kanya't dahilan nang kanyang pagtigil nang makilala ang taong 'yon, with atleast four meters distance.

$even still seems in pain. Hindi pa nawawala ang mantsa ng dugo sa katawan at bibig pero mukhang ilang segundo lang ay tuluyan na ring maghihilom ang sugat nito.

May 57% na natitira sa HP nya. Ibig sabihin hindi na sya uminom ng healing potion at sumunod kaagad dito no'ng sandaling magkamalay na sya. Ano na kayang nangyari ro'n sa tatlo?

$even is full of heavy breathes. Para syang hinabol ng ilang demonyo sa bilis ng paglipad nya para lang maabutan kami rito. He even flied right passed those four behind us. Buti hindi sya nahuli.

"This must be a comrade, I guess." alam kong ako ang kinakausap ng Weilvin na 'to kahit na kay $even lang ang titig nya.

"Hand over the flag to us and we will be surely on our way back." saad ni $even dito.

Natawa lang ang lalaki. "Look at the time." sabay turo nito sa kalangitan. Mayroon na lamang kaming walong minuto para mabawi ang flag at pumasok sa safe zone. "you don't have enough time to catch me--as if you can before going back to your designated zafe zone with it."

So designated safe zone means. Iba-iba ang nakalahad na tower para sa bawat squads na puntahan sa oras na magkaroon na sila ng dalawang flags.

"Hangga't hindi mo binabalak ibalik sa amin ang flag, hindi kita hahayaang makalagpas dito."

"Kahit ang captain nyo, walang nagawa para pigilan ako. Ano na lang kaya ang magagawa ng isang hamak na member lang na kagaya mo?" may halong pangungutyang sagot nito na mas ikinainis ko pa. "Hindi bilang ang dahilan para magwagi sa isang laban." lumingon ito sa akin at naglabas ng ngisi sa labi. "dahil walang pwedeng manalo sa isang laban maliban lamang sa mahuhusay."

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon