Episode #13: All-Out-War Tournament Part III

701 78 4
                                    

Chapter 13: All-Out-War Tournament Part III

Klenton's Point Of View

"600,341 players are still alive inside this tournament—Oh wait! Nalagasan na naman ng isa so 600,340 nalang lahat." Tila nag re report na sabi ni Ashia.

"Mukhang hindi magiging madaling maka survive dito. Halos isang oras na tayong nandito sa bundok nagtatago to buy some time but still. 600 thousand is still a lot of players!" Reklamo ko naman at muling inihiga sa lupa ang katawan at kita ko ngayon ang buong kalangitan na ni isang ulap wala akong maaninagan.

"Yeah. Mukhang kanya-kanya na ng kuta ang mga players ngayon sa kahit saang sulok ng lugar and the head-start war is over since natigil nadin ang sunod-sunod na pagpasok ng mga players." Dugtong pa ni Ashia habang prenteng nakahalukipkip at nakahiga lamang sa isang sanga ng punong bahagyang sinisilungan ko ngayon.

Tama kayo. Magkasama na kami. We're now allies. Ewan kolang kung totoo nga ba yun. But still, i trust him. Mabait naman siya eh. Kaya't pagbibigyan ko. At isa pa. Nasa 35% nalang ngayon ang HP meron siya, so he needs me to survive this because I'm awesome. Ang kapal ko diba? Pinuri talaga sarili. Joke lang.

But the main point is, he trusted me too. So together, we will survive.

Isang mahinang pagsabog naman ang narinig namin sa medyo malayong bundok kung saan kami ngayon, at kitang-kita namin ang literal na pagsabog dun dahil sa mismong tuktok din ng bundok nangyari yun but the sound of it is still faraway from here.

Kita namin ang mga debris ng lupa dun na gumuho crashing every trees that broken soil landed habang tuloy-tuloy na nahuhulog pababa ng bundok with smokes created by it's every impact of the drop.

"Ang lakas naman nun." Hindi mapigilang bulong naman ni Ashia at tumayo sa sanga habang nakatutok dun sa nawawasak na bundok. "That's how Mages kills they're opponents. Savage as always." Dagdag pa niya kaya't umupo naman ako mula sa pagkakahiga at nakatingin lang din dun sa pagsabog.

"Kung Mage man ang gumawa ng ganiyan kalakas na pagsabog, I bet he or she is not just like an ordinary Mage-Player." Saad ko.

"Hindi talaga!" Sabay patalong bumaba si Ashia dun sa sanga at lumapag sa mismong harapan ko kaya't angat ang tinging nilingon ko naman din siya habang nakaupo pa rin. "Alam mobang may tinatawag na Seven Alpha Captains?"

Tumango naman ako rito. "Yeah. I heard of it."

"Eh, sa Four Savage Mages."

"Yan, ay, hindi kopa narinig. Anong tinutukoy mong apat na Savage Mages?" Tanong ko naman at napangiti itong nag indian-sit sa harapan ko.

"Ang apat na Savage Mages ay nilalarawan ng lahat bilang ang mga pinakamalalakas talaga na mga Mages sa larong ito. Ang CORE ang mismong nagbigay ng palayaw nayan sa kanila so legit, malalakas ang mga ito." Paliwanag naman niya habang taas noo.

"Mukhang proud na proud kang magkwento ah?" Komento ko naman at napangiti siyang tumango.

"Tama ka dun! Actually. I'm much of related to that kind of title kaya't proud talaga akong magkwento kapag sila na ang pinag-uusapan."

"Talaga? Eh Fighter-type player ka naman diba? How can you be connected to that kind of title?" Tanong ko naman rito but he only shooked his head.

"No, no. That's not what I mean." Sabi niya slightly waving his palm sideways back and forth. "Anyways, gusto mo bang malaman kung sino ang apat na Savage Magicians?" May pa intense pa nitong tanong sakin while leaning his face closer to mine, wiggling his eyebrows up and down.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon