Episode #70: The Three-Tailed Monster Quest Part 1

388 40 3
                                    

Chapter 70: The Three-Tailed Monster Quest Part 1

Klenton's Point Of View

As we walked away from the elevated water floor our eyes are filled with amazed feelings nang sandaling makaapak nga kami sa mismong cliff town na ito.

"Wow." Niko can't stop whispering while the water floor descended back down to where it belongs.

The sky is almost at our reach or so we thought. But it turns out wala pa kami sa tunay na sukat talaga nito kahit na alam naming masyado na talaga kaming elevated mula sa lupa.

Dumaan kami sa isang gubat in just a few minutes narating na nga namin ang mismong town kung saan ay napakagandang pagmasdan talaga.

All the houses are colorfully painted at marami ring nagtataasang mga bulaklak sa bawat bakuran nila. NPCs are everywhere. May mga batang maiingay na nagtatakbuhan, may mga merchants at manlalakbay ding naglilibot sa buong lugar na ito.

Maraming paninda sa bawat gilid ng kalsada. May nakakasalubong kaming players din at base sa napapansin ko, iilan nga lang talaga ang mga katulad naming players dito sa lugar na ito.

May iba ngang bumababa na paalis dahil may binili lang saglit o may dinaanan lang dito tsaka rin muling bumaba.

May nakikita rin kaming maple tree rito kaya't nakakamangha talaga habang ito'y aming mapagpasyahang lapitan at ng malinaw itong mapagmasdan.

It's planted at the center of this town. Naka-fence pa ito at may naka-round decorated na tubig kung saa'y marami ring makukulay na isda ang masayang naglalangoy doon.

The tree is wide tall na halos sakupin na ang 8-meters radius dito sa center part kung saan ito nakatayo. Nasisilungan kami sa laki ng mga sanga nito kaya't napapangiti kami nang simulang hanginin ang mga dahon nito't nagsisibagsakan ng walang tigil sa aming mukha't katawan.

"Smoker, for you. Alam kong gusto mo'to." ngiting nakakapang-asar na saad ni Ashia kay Peniron habang may nilalahad na maple leaf dito.

Peniron glance at him sideway. "No thanks. Why would I want a leaf?"

"Hindi lang 'to basta leaf. Marijuana leaf 'to."

"Adik ka." sabay batok ni Peniron sa kausap na ikinatawa ko na lang din.

"Hoy, Niko."

"Isa...dalawa...tatlo! Hahah! Tatlong maple leaf na nasalo ko!" masayang sigaw ni Niko kaya't bagot lang syang pinagmasdan ni Ashia.

"Ang hirap naman." komento rin ni Kristel nang hindi sya makakuha ng kahit ni isang dahon mula sa bumabagsak sa amin ngayon.

"Ba't ba kayo magpapakahirap kung pwede nyo namang akyatin. Tsaka marami naman sa lup--"

"Tumahimik ka na nga." Peniron cut his words short matapos isubo sa bibig ni Ashia ang 'di mabilang na maple leaves na napulot lang siguro nya rito.

"Ikaw nga sumalo tapos bigay mo sa'kin." sabi nito't nilingon ako na may ngiti.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Para mahalin mo na raw sya." sabat bigla ni Ashia kaya't nagulat kami pareho ni Kristel.

"Ulol." sita ni Kristel dito pero tinawanan lang din sya.

"Oh crap. This tree is dropping some mess around here again. How can I clean this up before the night comes?"

Bigla kaming napatingin sa may gilid nang mapansin ang isang may katandaan ng NPC na nagsasalita mag-isa. Napatingala ito sa kahoy at sa paligid tsaka tila problemadong napapabuntong-hininga.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon