Chapter 25: Sole Duty
Klenton's Point Of View
"Late kana." bungad na saad ni Kristel sa akin habang nakahalukipkip itong nakatayo sa gilid ng town gate dito sa Kentucky town.
Hingal naman akong napahawak sa magkabilang tuhod at nahihiya siyang nginitian. "Pasensya na. Late din kasi akong nagising eh. Tsaka muntik kona ring makalimutan na magkikita tayo ngayon." palusot ko naman.
"Teka. Nasaan na pala yung dalawa?" tanong ko at lumingon-lingon sa paligid.
"Nandun na sa loob. Siguradong nasa tabi-tabi lang sila nagsa-sight-seeing ng mga bagong labas na weapons sa store. Kahit hindi naman nila talaga nagagamit."
Natawa ako. "Tama ka."
Sabay na kaming pumasok sa town at maraming Players ngayon as usual. Wala namang pinagbago dun eh.
Ngayon ang araw na matatapos na ang pagbubukas sa hidden treasure chest na natanggap ko. Putcha kasi, dahil akala ko hindi kona ito gagamitan ng ultimate key. Pero nung natapos ang 1 week countdown nito, kailangan pa rin palang ihatid sa Builder's house tsaka lang ito talaga mabubukas.
At ang required key para rito ay yung pinakamahal pa. Gago lang eh. Buti nalang talaga masipag akong tumapos ng mga dungeons lalo na yung mahihirap talaga—actually lahat naman mahihirap, kaya't marami din akong naipon na item drops at golds nadin kaya't nakaya kong bilhin ang taenang key nayun.
Ubos na nga halos lahat ng items ko eh kaka-trade para lang magkapera. Pahamak talaga sakin ang hidden treasure nayun eh. Kapag ito talaga 'di ko nagustuhan ang laman ewan kona lang.
'Di joke lang. Ano nga ba magagawa ko kung ano ang maaaring laman nun? Diba wala? Nganga pa rin.
As usual, dumaan kami ulit dito sa medyo komplikadong daanan sa town para lang marating ang Builder's house. Sinusubukan ko talagang tandaan ang daan papasok at palabas, pero kahit anong gawin kong pagsasaulo wala pa ring kwenta. Magre-rely nalang ako sa kasama ko.
After minutes of walking in this maze-like trip narating na nga namin ang Builder's house. Naabutan namin sina Peniron at Ashia sa loob.
"O. Bakit tila natagalan kayo?" unang saad agad ni Peniron. Nakaupo siya ngayon sa isang single sofa sa may corner.
"Siguro nag-date kayo 'no." pang-aasar naman ni Ashia, nandun siya sa may counter top banda naka-indian sit ng upong kaharap namin.
"Ulol kaba?" sagot naman ni Kristel rito na halatang napikon. "Tsaka bakit ka nakaupo diyan sa counter ha? Gumalang ka nga kahit minsan sa may-ari ng bahay nato."
Even NPC's have manners too. Kaya't sinabi yun ni Kristel, pero itong si Ashia, hindi nakinig sa utos ng kasama namin.
"Welcome to my House. How may I help you?" Then the Builder appeared out of thin air sa kabilang banda nitong counter at hinarap kami. At nang mapansin niyang nakaupo si Ashia sa counter, he slammed the counter top with his right palm.
Yumanig ng mahina ang paligid kasabay ng malakas na tunog ng hampas nayun na ikinagulat din ni Ashia lalo na dahil ramdam niya yung vibration na nangyari. And then out of knowhere, bigla ding may apat o limang knives ang bumulusok ng sobrang bibilis na tumusok sa katawan, braso, likod, leeg pati sa ulo.
"Ahhhhhh!" He is as pale as a blank paper habang napasigaw ng sobrang lakas sabay nahulog mula sa counter at iyak na bumagsak sa sahig habang inaalis yung tusok sa katawan niya. "Ang sakit nun, manong! Masyado na kayong nagiging bayolente. Nung una, mga bato lang bumubulusok sakin." reklamo nito sa Builder but the latter only ignored him.
![](https://img.wattpad.com/cover/290814506-288-k231719.jpg)
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...