Chapter 72: The Three-Tailed Monster Quest Part 3
Klenton's Point Of View
19% na lang ang natira kay Ashia nung mabalik ang malay nya't nakalapit sa akin. Sinabi ko sa kanya ang main target ng halimaw na kanya namang ikinagulat.
"So hindi nya tayo pinapansin ganun ba? Peymus ba sya para mang-ignore sa'tin?" sabi nito kaya't nalingon ko sya.
"Matalino ang halimaw na ito. Yung support type players ang gusto nyang tugisin muna bago yung iba."
"Kung ganun delikado si Kristel sa sitwasyong ito." saad pa nito ulit. "pero paano kung mali tayo? Baka sinasadya lang ng halimaw na ituon ang atensyon sa iba nating kasama para maisip nating umatake ng palihim pero ang totoo'y patibong lang pala yun para magpadalos-dalos tayo ng galaw."
Lumingo sa amin ang halimaw dahil nasa likuran nya lamang kami mga pitong metro ang distansya. It seems like it heard what Ashia just said.
Kaya't nilagay ko sa bibig ang daliri a sign to quiet him down not to say any words again depending what we just figured out.
"Did it hear me? Was it even listening to us the whole time?" he whispered in shock expression.
I can't believed it. "Looks like it's way more smarter than we think it is." kung tama ang hinala namin, this monster infront of us can understand our way of words too.
If it can hear our plans verbally, it can simply avoid getting cornered by it dahil tila human intellegence na ang taglay nito. At ang malala experience combat pa. Ibig sabihin sanay sa mga labanan. Well. It's mere theories but we still need to be careful for it.
Napansin naming nasa 89% na ang HP ni Peniron and dun na tinapos ni Kristel ang paghi-heal sa kanya. Si Niko nama'y hindi pa rin umaalis sa pwesto nyang nakaharap lang sa halimaw na ito at handa anumang oras sa mga pag-atake.
Pansin kong nakatitig na sa akin ang halimaw na ito kaya't lalo pa akong kinabahan. I grip my sword's hilt tightly at inihanda ang sarili sa maaaring galaw nito mula sa sandaling katahimikan.
Kung alam nya ang mga sinasabi namin, there's no way na makakapagplano kami ng maayos. We can only sync our moves now and support each other's back just like what we always do. Yup. This is not new to us. Kaya't gagawin namin ang nakasanayan. Fight in coordination. Mga mata ang magsasabi ng plano. Ang galaw ang magbibigay ng mga senyales.
"What a nuisance, really." bulong ni Ashia sa tabi ko.
At nabigla na lang din kaming lahat nang sa hindi matunugang pagkakataon biglang bumulusok yung dalawa sa buntot ng halimaw na ito patusok sa aming dalawa, kaya't nanlalaki ang mata kong naigilid sa kaliwa ang katawan habang si Ashia namang nasa aking kanan dun din sa kanang direksyon nya sya napagulong kasabay halos manindig ang mga balahibo namin nung dumaan malapit sa mga balat namin ang buntot na ito.
Fvck! It's so damn close! Malamang butas na ang mga dibdib namin ngayon kung sakaling hindi kami alert enough na masundan pa rin ang biglaang atakeng yun at almost hindi namin maiwasan.
Sa ganitong distansya ba naman malamang magugulat ka talaga lalo pa at mas mabilis ito kumpara sa mga atake nya kanina.
At sa gitna ng gulat naming mga reaksyon sinamantala yun ng halimaw at nag-sprint hindi papunta sa amin kundi papunta roon sa tatlo na amin pang mas ikinabigla.
And by just a second later nasa mismong harapan na ito ni Niko na natatabunan na ng anino nyang dinudungawan ng nanlilisik na mga mata.
Niko was shocked lalo pa at sa ganung kalayong distansya nasa harap na nya agad ang halimaw na ito.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...