Chapter 84: DarkPinion vs. RedNeon Part 3
Peniron's Point Of View
Nagpipigil ako ng kilos. Kino-kontrol ang aking bawat paghinga habang may inaabangan sa isang bahagi nitong gubat na dumating.
Nasa likuran ako ng isang katawan ng malaking puno. Mula limang metro, may nag-iisang bahay sa gitna nitong gubat kung nasaan ang tingin ko mula sa aking kanan, while my back is pressed flat with this tree I am leaning against.
Ilang minuto na ang lumipas mula nang magkatagpo kaming dalawa ni Niko. And not long after that, nakasagupa naman ni Jason. Nagsimula ang laban namin at puro wasak at sunog na parte nitong gubat ang makikita sa dami ng mga pagsabog na naganap.
Nandito ako para abangan si Jason habang pilit nitong hinahabol si Niko na kung saan ay ginagawa naman ang makakaya para makailag at mapapunta sa lokasyong ito kung saan pwede namin syang ma-ambush.
Hindi nagtagal muli na namang umalingawngaw ang malakas na pagsabog at ang pagliyab ng sunog sa isang parte kasabay ng pagkalat ng shockwave blast. Ang pagsabog ay naganap mula siyam na metro sa aking likuran banda. Hindi nagtagal naaaninag ko na si Niko na nakalabas mula sa usok nayun habang sobrang bilis ang takbo papalapit ngayon sa bahay kung saan ako nakamasid.
Mula sa makapal na usok ng pagsabog isang kidlat sa bilis na coin ang bumulusok pasunod tungo sa batok ng kakampi ko. Kaya't kahit limang metro pang malayo si Niko mula sa bahay, napilitan syang matigil sa pagtakbo't mabilis ding inihilig pakaliwa ang leeg dahilan para tuluyang lumagpas ang bulusok ng coin na dumiretsong tumama sa katawan ng punong kaharap nya mga tatlong metro ang distansya.
Sumabog ang punong yun kasabay kumalat muli ang napakalakas na shockwave blast habang si Niko nama'y pumihit paharap mula sa kanyang likuran.
Kasabay sunod-sunod na apat na daggers ang muling kumawala't bumulusok mula sa direksyong yun papunta sa kanya. Kaya't mabilis ding wasiwas ni Niko ang ginawa nya gamit ang espada dahilan para magtagintingan at magtalsikan sa magkabilaang direksyon ang mga daggers na yun.
And in a split second after that, mas mabilis namang sunod na bumulusok muli ang isang coin na halos dalawang pulgada nalang ang distansya bago tuluyang tumama't sumabog sa mismong noo nya.
Kung hindi sukdulan ang konsentrasyon nya, malamang hindi nya nagawang maisabay ang pag-backflip at ang pag-deflect ng coin nayun paitaas ng espada nya ng sobrang bilis din.
Sumabog ang coin sa mismong itaas na bahagi nitong gubat na pansamantalang nagbigay ingay at liwanag sa paligid. Kasabay muling nakalapag at nakatayo ng maayos si Niko na iisang metro lamang ang distansyang naialis mula sa kinatatayuan nito bandang harap nya.
Kasunod nun, dalawang daggers na naman ang muling bumulusok mula sa usok kaya't muli rin naman itong na-deflect ni Niko, swinging its sword from left to right, clanging the two daggers away with such force and speed and with a little spark from the friction.
At bago pa man muling makakilos si Niko, bigla ring lumitaw si Jason sa harapan nya't gamit ng red steel glove nito with both hands, mabilis nyang ipinabulusok ng suntok ang kanang kamao tungo sa mukha ni Niko.
Pero naiyuko rin nito ang ulo at naiwasan yun from the very split of second. Sabay pahalang na iwinasiwas ang espada tungo sa kanang leeg ni Jason, but the latter just swiftly deflected the sword with its steel left palm upward.
Then Niko spin his body swinging its left foot towards Jason's left cheek. Pero patayong naiharang din agad nito ang kaliwang braso kaya't isang malakas na kick impact ang nangyari na mangyaring humawi sa ilang bahagi ng buhok ni Jason sa kumawalang shockwave sa napigilang sipa.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasíaYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...