Episode #109: Championship Elimination

195 29 4
                                    

Chapter 109: Championship Elimination

Klenton's Point Of View

Nasa loob na ako ng van. Medyo maaga ako kaya't saglit akong natulog muna sa upuan. Not long after, umingay at yumugyog na ang sasakyan senyales na nandito na sila.

Nasa bandang likod ako ni Jeremy ngayong nasa shotgun seat. "Thirty minutes na lang bago magsimula ang event. Handa na ba ang lahat?" kadarating lang din nya't inaayos ang rearview mirror.

"Antok pa raw si Bruce Lee."

"Imbento ka. Excited na nga ako eh."

"Eh ba't ka nanginginig?"

"Sobrang excited."

"Nagsisinungaling pa."

Pinaandar na rin ng driver ang makina't sinimulan na itong paandarin.

Habang nasa byahe, tahimik ang lahat. Hindi ko maiwasang mapatingin sa rearview mirror at saktong nakikita ko si Kristel mula roon.

She's doing something in her phone. Nagta-type yata. Hindi nagtagal pinatay nya ito't tumingin sa labas ng sasakyan. Nasa bandang gilid kasi sya. One seat behind sa pwesto ko.

I sighed. Mukhang galit talaga sya sa 'kin. Iniiwasan na nya ako kanina pa. Sa kwarto na nga sya kumain kahit mag-isa para lang hindi ako makasabay sa hapag.

Kahit pinilit na sya ng mga kasama namin, hindi talaga sya nagpapilit at ginawa ang gusto nya. Mukhang napuno na sya sa 'kin.

Well. Aaminin ko namang nang dahil sa 'kin kaya sya nagiging ganito. Parang nag-iipon lang kami ng pader sa pagitan ng isa't-isa. And I am the one who did the first pile kaya hindi ko talaga sya masisisi kung napupuno na sya.

The trip went silent minutes later. Medyo malayo ang main venue na pagdadausan ng laro kaya't medyo mahaba-habang byahe pa ang gagawin namin.

"Sana hindi tayo ma-late." nakatingin si Jeremy sa relo nito't lingon nang lingon sa paligid.

"Hindi naman siguro tayo naliligaw." muling saad nito't nilingon ang driver.

Umiling naman ang kausap nito. "Hindi. Siguradong nasa tamang daan tayo. Sampung minuto pa bago tayo makakarating."

Kung sampung minuto pa. Mahuhuli na kami dahil dalawang minuto na lang magsisimula na ang event.

Nilingon ko si Kristel at mukhang hindi na nito inalis ang tingin sa bintana ng sasakyan. Mukhang malungkot din sya.

Ano bang gagawin ko? May dapat ba akong gawin? Kapag nalugmok sya nang ganito hanggang sa laban mamaya, malaking epekto ang damdamin nya sa mga kilos nya. Pa'no ba 'to?

Bakit ngayon pa kasi nangyari 'to? Kung kailan nakarating kami sa pinakasukdulan ng laban tsaka pa kami 'di nagkaka-ayos.

Sa sobra kong pag-iisip nagawa ko na lamang na mapabuntong-hininga. Medyo malakas 'yon pero parang 'di naman pinansin ng mga kasama ko. May mga sariling mundo rin yata.

"Kausapin mo na." napakunot ang noo ko nang biglang bumulong si Jeremy. Nakatalikod sya pero alam kong sa 'kin nya sinasabi ang mga 'yon.

"Pa'no ko naman 'yon kakausapin? Eh ayaw na nga yata akong tingnan. Nilalayuan na nga ako eh." baliw na ako. Iniisip ko talagang mage-gets nya sinasabi ko.

Marahan itong lumingon at tiningnan ako. "Ayusin mo na 'yan ngayon bago pa tayo makarating sa venue dahil kung hindi aayaw na talaga 'yan sa 'yo."

Kinabahan ako sa sinabi nya. Ano bang pinagsasasabi ng isang 'to? Tinatakot naman yata ako.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon