Chapter 85: DarkPinion vs. RedNeon Part 4
Klenton's Point Of View
That was a loud explosion. I wonder who were the unlucky players na tinarget ng napakalakas na atakeng yun. It's totally destructive to the point na kahit over hundred meters ang layo nun mula rito sa aking pwesto the vibrations and the blasting power still cause me goosebumps.
The smokes was visible above that forest site kung saan naganap ang pagsabog, and with just that single sight from afar alam kong hindi yun basta-basta wide blast lang na kumalat at nagpayanig sa buong paligid.
Still, I am at ease nang mamalayan kong walang ni isa sa mga kakampi ko ang natanggal mula sa pangyayaring yun. For this moment, since the start of the final war, DarkPinion is yet still on the lead.
We defeated-or more specifically, I defeated two of the five members of the opposite team. Hindi ko alam kung nasaan si Jason. What I'm sure is, sya ang may kagagawan ng ganun kalakas na pagsabog kani-kanina lang.
He is the only one who can damage a forest with a blink. Also, pansin ko rin ang dark lightning na umabot pa't sumira sa isa sa mga bahay dito. And with the process of elimination, hindi forte ng mahika ni Peniron ang lightning power so its safe to think na si Jason mismo ang gumawa sa bagay nayun.
Well, hindi naman importante na alam ko ang bagay nayun. No. In fact, it actually does. I know how to approach him kung sakali mang magkaharap kami dahil alam ko na ang ilan sa Mage abilities nya. And it is quite terrifying and on the contrary, also informative.
Then I heard Briar sighing in such sound. Pushing me to stare back to him from my back with just my head turning. Nakatayo ako ngayon sa isang flat elevated na bubong ng isang bahay. Halos six meters lang din ang distansya nito mula sa akin.
"What's the matter? Bigla ka yatang nag-muni-muni dyan." rinig kong saad ni Briar sa akin. His right fist with the gauntlet on is still bursting with intense energy pero kalmadong-kalmado pa rin ang stance nyang prenteng nakaupo sa tuktok ng posteng yun.
Not long after, napansin ko rin ang isa pa nyang kakamping si Dervin na nakatalon na't nakalapag din dito sa bubong sa harapan ko within three meters distance kaya't nasipat ko rin ito ng tingin, gripping my dark sword's hilt more tighter on my right hand.
His forehead had a huge cut horizontally from one side to the other sabay tumutulo ang sariwang dugo mula rito. That cut is definitely what I'ved made to him seconds ago bago ako nakarating dito.
They are chasing me for so long hanggang kanina at 42% nalang ang natitira sa HP ko from their simultaneous attempts to eliminate me for so many different attack patterns.
But in the end, they still failed to corner me, at nawalan pa sila ng isang kasama. Pero hindi ako kampante kahit na lamang kami sa laban. Delikado kahit kunting segundo lang na pagpapabaya mo. Mahahanapan ng butas ang defensive stance mo kahit kunti lang kaya't sadyang mapanganib ang sitwasyon ko lalo pa at hindi lang isa ang kinakalaban ko.
"Nakakainis pero nakakamangha talaga ang galing mo." rinig kong komento ni Dervin. Tumuwid sya ng tayo habang nakatutok ang matalim na espada sa akin kasama ang napaka-seryoso nitong ekspresyon na nakatitig sa'kin. "kayang-kaya mo kaming ipagsabay tatlo at nagawa mo pa talagang mabawasan yun ng nag-iisa kalang. Ikaw ang dapat dehado rito pero parang hindi naman ganun ang nakikita ko. Sabihin mo, ano ba talaga ang meron sayo?"
I was silent for at least a second or two bago bahagya syang nginitian. "Maswerte lang ako kaya ko kayo nagawang sabayan." maikling sagot ko.
"Pero paano mo nga kami nabawasan kahit dehado ka sa bilang?!" para syang isang batang nagtatanong tungkol sa bagay na gustong-gusto talaga nyang masagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/290814506-288-k231719.jpg)
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...