Episode #41: DarkPinion vs. OvalKeeper Part 2

396 59 4
                                    

Chapter 41: DarkPinion vs. OvalKeeper Part 2

Klenton's Point Of View

Isa na namang panibagong malakas na pagsabog ang aming narinig habang tumatakbo kaya't kaagad naman naming sinundan ang tunog nayun.

Malapit na kami. Ramdam ko ang malalakas na presensya nila ngayong naglalaban kaya't tango ko naman ding nilingon si Ashia at ganun din siya sa akin.

Pero nabigla naman kami ng sa bigla-bigla nalang din naman kaming nakarinig ng isang malakas na tunog ng nababaling kahoy sa kung saan dito banda sa aming dinadaanan ngyon.

"Captain, ilag!" bigla naalng din akong naalarma't natigil sa aking pagtakbo nang bigla ko rin namang nakita ang isang malaking kahoy sa bandang kanan ko't babagsakan na ako ngayon kaya't mabilis din akong patalong napaatras ng halos tatlong metro din ang distansya mula sa binagsakan nung puno't nagkabitak s lakas ng impact.

That might be my death kung hindi dahil sa mabilis ring babala ni Ashia kaya't nilingon ko naman siya sa gilid ko, and he survived from it too. "Masyadong makapal ang hamog kaya't nakakamanghang buhay pa rin tayo." komento naman niya.

He is right. Marami kaming blind spots sa arena o sa gubat na ito dahil sa hamog. Worst case scenario, malaki ang tiyansang ma-ambush kami anumang oras.

"It's all thanks to you kaya't pasalamatan mo sarili mo." sagot ko naman sa kanya habang nilibot ang paningin sa paligid. No movements or any signs of presence around here. "kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat."

At tinalon na ang nakahigang kahoy palagpas sa kabilang side nito at itinuloy ang aking pagtakbo. "Pero hindi ba natin haharapin ang kalaban na umambush satin ngayon lang?" tanong ni Ashia habang tumatakbo narin itong nakasunod ngayon sa akin.

"Wala namang umambush satin eh."

"Anong wala?"

"Isa lamang yung kahoy na bumigay dahil sa malaking pinsala nito mula dun sa mga fireballs na walang tigil na bumubulusok sa kung saan." paliwanag ko rito kaya't natahimik nalang din siya.

Hindi rin nagtagal muli naming naririnig ang mga pagsabog at may nadadaanan na kami ngayong putol at sunog na katawan ng kahoy sa bawat madaanan naming bahagi nitong gubat. Tila nakalbo na ang bahaging ito dahil sa lakas ng mga apoy.

Malawak din ang naabot na pinsala nito at may mga nabungkal pa nga at nagkabitak na mga lupa dahil sa nangyaring labanan dito. "Mukhang, malapit na tayo sa kanila ah." naging komento naman ni Ashia habang dumadaan kami sa ganitong klase ng tanawin. "mas kumapal pa ang hamog dahil sa usok ng mga apoy."

"Dalian na natin."

Umabot ng halos isang minuto din ang takbo namin at kaagad din kaming natigil din nung sa bigla nalang isang malakas na bugso ng hangin ang dumating kaya't ramdam agad namin ang napakalamig na sensasyon nitong dala.

Dalawang metro ang layo ni Ashia sa akin ngayon mula sa akin likuran at kahit hindi ko man siya nililingon ngayon alam kong nabigla rin siya. Dahil sa lakas ng pagdating ng hangin na ito, madali din nitong nadala't nahawi ang makapal na hamog na bumabalot ngayon dito sa gubat na ito.

Luminaw din sa wakas ang paligid at tanaw kona ngayon ang asul na kalangitan.

Habang lumalawak pa ang nahahawing distansya ng hamog na ito, napansin at nagulat naman ako nang makita si Peniron na nakaluhod ang isang tuhod habang nakalapat ang dalawang palad sa lupa na para bang walang tigil siyang nagpapalabas ng Mana power mula dito. Kung hindi ako nagkakamali, he is controlling the fogs around us to clear our views? Siya pala ang may kagagawan ng bagay na ito.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon