Chapter 98: Flags War Part 1
Klenton's Point Of View
"Sa pagkakataong ito, magsisimula na ang pangalawang stage ng paligsahan! Ayon sa mechanics ng second stage, isa itong All-Out-War na labanan sa pagitan ng natitira nating tatlong-daang squads sa iisang online arena. Simple lang para manalo. Kumuha ng flag mula sa kalaban at bumalik sa safe zone habang secured ang sariling squad flag. Kahit isa lang sa bawat miyembro ang makapunta sa safe zone basta't dala-dala ang team at enemy flag ay tatanghaling panalo at makakapasok na sa pangatlong yugto ng paligsahan!"
Gaya ng patakarang sinabi ng emcee ngayon-ngayon lang. Simple lang ang takbo ng laro. Hangga't nasa amin pa rin ang flag namin, wala kaming ibang pwedeng gawin kundi ang magnakaw ng bandila ng iba.
The only way to win is to steal and escape. Talagang malaki ang magiging advantage ng mga players dito na may taglay na stealth mode o ang kakayahan ng mga assassins.
That's why we need to be alert at all times para maiwasang matanggal sa laro.
Sa line-up namin ngayon, kasama ko pa rin si $even, pinalit ko si Niko, nandito pa rin si Kristel at syempre pati na si Ashia.
"Kaya ko kaya 'to?" si Niko ang binigyan namin ng karapatang maging carrier ng team flag.
Tinapik ito ni Ashia sa balikat at nginitian. "Ano ka ba. Hindi ka naman nag-iisa."
"Tsaka hindi lang ikaw ang mabilis kumilos sa grupo. Nandyan si $even at si Captain." sabat naman ni Peniron.
"Tsaka ako rin." sabay turo ni Ashia sa sarili.
"Sa tulong nilang dalawa. Siguradong malalampasan mo ang lahat ng balakid. Magtiwala ka rin sa sarili mo." hindi pinansin ni Peniron ang sinabi ni Ashia't masinsinan lang na kinausap si Niko.
"Sa tulong naming tatlo."
"Tama ka, Kuya Peniron. Sa tulong nina Captain at Kuya $even. Magagawa nating manalo at 'pag nangyari 'yon magagawa na nating maka-akyat sa pangatlong stage!"
Para namang lantang dahon na hinawi ng hangin si Ashia sa tuluyan nitong panghihina. Wala kasing pumansin sa kanya.
"Kristel. Hindi ka man lang ba magrereklamo?" naiiyak na tanong ni Ashia sa katabing nagta-type ng letter sequence sa ARMserver nya.
"Aminado naman akong hindi ako mabilis. Kaya ayos lang."
"Naku naman. Ba't ba puro siraulo kakampi ko?"
"Nagreklamo ang pasaway."
"Tumahimik ka, Smoker! Nakakagigil ka na."
"Umalis na sa harapan ang hindi kasali sa laro, pakiusap." dahil sa sinabi ng emcee, tuluyan na ngang umalis si Peniron at nanood nalang sa tabi kasama 'yong iba pa.
"And now...the second stage of the Champions Vs. Champions tournament, Flags War will now...begin!"
Sabay-sabay na naming pinindot ang sariling mga ARMservers and in just for a few seconds, nasa loob na rin kami ng arena. Nasa tuktok kami ng bundok. Kaya't malakas ang bugso ng hangin at mula rin dito, kitang-kita namin ang kabuuan at kung gaano kalawak itong forest arena.
"Ang lamig!~" nanginginig na bulong ni Ashia sa tabi ni Niko. May nakasabit ng flag sa likod nya ngayon. Nasa tela nito ang pangalang 'DarkPinion squad' at walang tigil na hinahawi't pinapasayaw ng bugso ng hangin.
Napatingala kami sa maulap na langit at nakikita ang timer na mukhang ilang segundo pang lumipas matapos itong magsimulang gumalaw.
Hindi katagalan. Nagsimula na ang bakbakan sa ibaba. Sunod-sunod na mga pagsabog ang naganap at puro usok na ang umuusbong sa bawat sulok ng gubat.
![](https://img.wattpad.com/cover/290814506-288-k231719.jpg)
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...