Chapter 44: The Third Night Prelims
Klenton's Point Of View
The loud shouts of the crowd greeted the four of us nang makabalik na kami sa realidad, standing still and gazing back to them habang punong-puno ng camera flashes saang sulok man ng lugar just trying to capture every corners of our faces.
'Wow! That was surely an unexpected ending ladies and gentlemen. Ngayon kolang nasaksihang uso pa rin pala ang surrender sa tournament.' everyone laughed by the emcee's remarked. Mostly kasi, kahit gaano pa kadehado ang team nyo sa isang larong gaya nito, kahit ni isa daw wala pang nagtangka o magtatangkang i-forfeit ang laban nila dahil hindi mo naman alam kung sino talaga ang mananalo unless wala ng player sa kabilang side.
While on battle, there are many possibilities kung paano magtatapos ang isang laban. But this time, it's different. Kate already knew the outcome of our battle earlier so she did not hesitate to surrender and ended the fight before it can even start.
We celebrated after our second win habang pinapanood ang mga natitirang laban para sa gabing yun. And as usual, nakita ulit namin ang laban ng Lancaster squad. They dominated the arena once again infront of us before advancing to the third night of the prelims.
At sa gabing yun, makikita narin namin ang magiging laban ng RedNeon squad. For the first time, ito ang pagkakataon ko na masaksihan ang gameplay mayron ang squad ni Jason. Sana nga lang hindi namin sila kaagad makalaban sa third night na ito pagkatapos ng unang match nila. In that way, hindi kami agad ma-pressure o mabigla.
It will also be bad kung ang Lancaster squad din ang makalaban namin. Well, that might be impossible dahil iisang bracket line lang ang squad namin sa kanila. Maliban nalang kung medyo baliw ang organizer at maisipang guluhin ang bracket lines at makaharap nga namin sina Lenjin.
"Hoy. Handa na ang order sa table 4. Nakikinig kaba?" biglang napukaw ang atensyon ko't nabalik sa realidad kaya't muli kong tiningnan si Carl sa kabilang side nitong counter kung saan ako naka-lean.
"Ah. Pasensya na." kaagad kona ring kinuha yung tray na may lamang order at nagtungo na sa table na pagdadalhan nito.
"Hoy. Saan ka pupunta?" bigla ulit akong natigil nang muling magsalita si Carl. I turned around and look at him out of curiosity.
"Bakit?"
"Nandun ang table 4. Bakit lalabas ka?" sagot din naman niya kaya't napalihis din ako kaagad ng dinadaanan at tila nahihiyang inilagay ang mga pagkain sa table.
Grabe. Inaantok pa yata ako.
Then after couple of minutes bumalik na ako sa counter at buntong-hiningang nilagay ang tray rito.
"Grabe. Mukhang dumadami na yata ang customer natin dito ah. Hindi na sila nauubos-ubos." lumapit si Erik sa bandang gilid ko habang nasa pinupunasang counter lang ang tingin.
"Pansin ko nga rin." tugon ko din naman. Tumunog ang bell sa may itaas ng main door at pumasok ang mga 'di ko mabilang na mga high school students. Mostly, mga babae sila lahat at iilan lang ang mga lalaki.
"Magandang hapon po. Pa order po kami." mukhang iisang grupo lamang sila. At dito pa talaga na talagang puno na. Occupied na halos lahat ng mesa pero pinagkakasya pa rin nila ang mga sarili para lang dito makakain.
"Naku, ang dami nyo naman pala. Miminsan lang kami magkaroon ng ganito kadaming customer kaya nakakatuwa naman. Kukunin kona mga order nyo." ang manager na namin mismo ang nag-entertain sa kanila at kumuha ng kanilang mga orders dun.
"Papano hindi dadami yan. Eh may big time celebrity tayong kasama rito. Ang dami na kaya niyang fans club ngayon sa social medias. Iba talaga." komento naman ni Erik habang tinitingnan ako kaya't napapatingin narin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...