Episode #107: The Finalists' Arena

189 31 3
                                    

Chapter 107: The Finalists' Arena

Klenton's Point Of View

Nandito na kami't nakasakay sa limousine papuntang stadium.

Thirty minutes early kami bago ang match, pero mukhang hindi lang kami ang excited sa laban ngayon. Halos hindi na nga kami maayos na nakakapag-park dahil sa dikit-dikit ng mga sasakyan na nauna sa amin.

"Kuya Kleojuo." biglang tawag sa 'kin ni Niko, the moment I step out of the car. Nilingon ko sya nang nakataas ang kilay.

"What is it?"

"Tawagin mo raw si Kuya. Nangangamusta siguro." lagpas na sagot nito sa 'kin kaya't nagtaka ako.

"Bakit hindi nya ako tawagan kung gusto nya akong makausap? Bakit ako pa 'yong kokontact?" I can't understand that guy.

"Nagpapa-bebe lang 'yon. Tawagan mo na." ani Ashia at nilagpasan na rin ako. The others just looked at me kaya't wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.

"Fine. Tawagan ko lang sya saglit."

"Nanghihingi siguro 'yon ng souvenir."

"May souvenir na ako sa kanya kaya hindi 'yon ang pakay nya."

"Ba't mas marunong ka pa sa 'kin? Kapatid ka ba nya?"

"Baliw. Kapatid naman talaga nya ako eh."

"'Wag mo na kausapin 'yan, Niko. Baliw 'yan."

"Sumasabat ka na naman, Smoker."

"Pasok na dali na. Ang iingay nyo."

"'Wag kang manulak, Kristel!"

"Tinutulak ka? OA."

Kahit sa pagpasok maiingay pa rin talaga.

After kong ma-type sa phone ang dial sa number ni Lenjin, tumunog ito ng ilang ulit bago ako nakarinig ng tunog na tinanggap ito ng receiver.

"Hello?"

"What do you want?"

"Gusto mong higupin ko dugo mo? Ikaw nagpasabing magpapatawag tapos ikaw 'tong nagtatanong kung ano kailangan." inis kong saad dito. I just heard a faint laugh from him. Lakas ng trip nito.

"How was the tournament going?"

"Nanonood ka naman 'di ba?"

"Yeah. Of course. Pero hindi ko tinatapos. Bawal ako magpuyat sabi ng doktor ko. So. How was it?"

"Ayos lang. Muntik na kaming matalo sa bawat stages. Lalo na do'n sa labanan ng team flags."

"Yeah. That was an intense fight. Weilvin is very strong."

"Napanood mo?"

"No."

"Pero paano mo nalaman?"

"May recording ako sa live stream."

I sighed. Natahimik kami saglit. Sumandal ako sa kotse at nakapamulsang nilibot ang tingin sa paligid.

"By the way. Napatawag ako dahil may bumabagabag lang sa isip ko. Would you mind listening? Sandali lang 'to."

"What is it?"

"'Yong recruit player na kasama nyo riyan sa mga laban nyo. Pati na 'yong lalaking naging kakampi mo no'ng sandaling may bug player na sumulpot."

Napakunot-noo ako. "Yeah. What about them?"

"Can you ask them kung may alam ba silang librong 'War of Ranks Online'?"

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon