Chapter 74: Thanks
Klenton's Point Of View
A peaceful and breezy forest greeted the four of us nang sandaling makalabas na kami sa dungeon nayun.
I heaved a long sigh closing both eyes then tumingala sa kalangitan. May napansin akong isang maple leaf na tinatangay ng hangin at saktong papalapit ito sa aking direksyon.
"Looks like we made it alive." komento ni Ashia. "hanggang ngayon parang ramdam ko pa rin yung kamao nung monster."
"These item drops looks good." Peniron said while looking at his bag inventory. Nilingon nya ako. "siguradong naghihintay na sa town si Niko."
"Nasa kay Ashia yung natitirang item na naiwan ni Niko." sagot naman ni Kristel.
Nauna ng naglakad si Ashia pabalik sa town at nakasunod sa kanya si Peniron.
Saktong nasalo ko yung maple leaf kaya't napangiti akong nilahad ito kay Kristel na natigil naman sa akmang paglalakad palagpas sa akin. She looked at the leaf tapos nalipat sa akin.
"For me?" turo nya sa sarili at tumango naman ako. Ngiti naman nya itong tinanggap at napamulsa ko syang pinagmasdan na tuwang-tuwa sa dahon nayun. "thank you."
"Uy ano yan, ha?!"
"Si captain nagtapat na rin sa wakas!"
"Hala! Kiss na yan."
"Kinilig ang healer natin. Ayiiee!"
"Gusto nyo sipa?"
Nakarating na kami dito sa Waterwale town. Nakita namin si Niko na naghihintay lang dun sa may maple tree at mukhang naaaliw itong nakatingin sa mga isdang naroon.
"Salo!" biglang hagis ni Ashia nung espada kay Niko at mabuti na lang ay mabilis itong napalingon at saktong nasalo nga ang hilt ng espadang yun.
"Gago ka. Magsasauli na nga lang ng gamit ibabato pa." bulong ni Peniron sa katabi habang papalapit kami kay Niko.
"Training yun. Ano ka ba?"
"Ang lakas kaya ng hagis nayun. Attempted murder nayun sa nakita ko eh."
"Nasalo naman ni Niko ah. 'Wag mo ngang maliitin ang pusa ng squad. Mas maliksi pa yan sayo." saad naman ni Ashia.
"Mas maliksi pa yan sayo." sabi naman ni Peniron.
"Mukhang natalo nyo ang monster sa dungeon ah. Dumaan kasi rito yung matanda at binigyan ako ng five epic stones. Eto o." sabay may pinakita si Niko sa aming apat na five emerald stones.
The four of us was shocked by this items at kinuha agad ni Ashia yung isa. "Woah. This is great. Pwede ko nang mabili yung emerald gauntlet dahil dito!" masayang sambit nito while staring up at the stone na tinatapat sa araw to make a clear and pretty view of it.
"Hmm. Maganda naman." Peniron commented sabay simpleng kumuha rin ng isa.
"You looked uninterested. Akin na yan." at akmang babawiin ni Ashia ang stone kay Peniron.
"When did I say that?" sagot din agad nito at nilagay agad sa bag ang stone.
"Hoy. Hindi sa inyo yan." sita ni Kristel sa dalawa but Niko just laughed.
"Hindi naman sa akin 'to. Sa inyo raw ito bilang gantimpala dahil sa wakas nawala na ang takot nila sa maple tree." paliwanag nito sa amin kaya't napalingon naman ako sa paligid ko.
Some of the NPCs here are smiling at us. Waving and some were even clapping their hands as a sign of simple thanks to us.
And as what Niko said, pinaghatian nga namin ang stones at masayang naglibot dito sa town bago na rin nagpasyang umalis na.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasiaYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...