Chapter 38: You're Accepted
Klenton's Point Of View
Napuno ng malakas na sigawan ang lahat ng mga tao dito sa venue nang makabalik na kaming tatlo nina Kristel at Niko mula sa Arena.
Nilabas sa malaking LED screen ang lahat ng mga highlights battles namin kanina sa loob ng game lalo na yung last second battle namin ni Heroline na apulit-ulit talaga nilang nire-replay.
'Ladies and gentlemen. DarkPinion squad advances to the next round!'
Mas lalo pang lumakas ang palakpakan ng lahat ng tao kaya't 'di ko maiwasang mapangiti nalang din habang pinagmamasdan silang nag-eenjoy.
Lumapit si Ashia kay Niko na ngayon ay sobrang tuwa din ang mukhang hindi na mapakali at linga ng linga sa paligid. "Congrats! Ang husay ng assist mo." sabay ginulo ni Ashia ang buhok nito.
"Pinupuri nyo poba ako?"
"Bakit, ayaw mo?"
"Gusto ko. Salamat po!"
"Ang galing mo talaga." lumapit saakin si Peniron at nakipag-fist bump ito sa akin. "pasensya na kung maaga akong nawala sa game."
Napangiti naman ako sa dinugtong na sinabi niya. "Lahat naman tayo nagkakamali. Ang importante nanalo tayo. Atsaka, wala kabang tiwala sa recruit natin?"
He laughed then nilingon si Niko na ngayon ay nakikipagkulitan nadin kay Ashia at Kristel. "May hidden talent siya. Sayang nga lang at ito na ang huling pagkakataon na maging kasama natin siya. Siguradong napanood ni Lenjin ang laban na ito kaya't alam na natin ang mangyayari."
Napabuntong-hininga naman ako.
Almost 10pm na nang matapos ang lahat ng mga matches sa gabing ito and we watched all of it kaya't sabay-sabay na rin kaming nagsialisan ngayon. Kinabukasan, medyo maaga palang ay nagising na ako. Mga 4am pa kaya't medyo kukunti pa ang mga taong nasa labas ngayon.
Dikit pa rin si Joelle sa kama niya and as usual kinukumot niya yung librong binabasa niya kagabi. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa isang malapit na grocery store na bukas na. Mukhang kulang na kasi ang supply naming pagkain sa ref kaya't kailangan kona ulit mag-stock.
Plain black tshirt lang ang suot ko ngayon at isang itim din na pantalon. Nang makapasok na ako sa loob ng store na katapat lamang din ng inuupahan namin kaagad na akong naghanap dun ng mga kakailanganin naming pagkain.
Nang matapos na akong makapagbayad sa counter lumabas na ako pero nagulat din ako ng madatnan ko si Jason sa doorway at mukhang papasok din siya sa store nayun. Natigil kaming dalawa at nagkatitigan dahil hindi namin kailanman naisip o inisip na magkikita kami dito ngayon.
"What a coincidence." ngiting tugon naman niya sa akin.
"'Wag nga kayong humarang sa daan." bigla namang may ale na nagsalita sa may likuran ko kaya't mabilis din naman akong gumilid at ganun din si Jason.
Tumabi muna kami at dito sa isang coffee machine na katabi ang naisip naming tambayan muna. "Gusto mo?" tanong niya saakin habang namimili siya ng inumin dun sa machine nayun. Nandito ako sa isang bench katabi ng machine nayun at nilingon din siya bago sinagot. "Libre moba?"
He snickered after I said that at nagsimula na din siyang magpindot sa machine nayun. "Mukhang hindi kana yata naiilang saakin. That's good though." sabi niya habang hinihintay na ma-fill yung isang cup.
"Ayaw mo namang tinatrato kang prinsipe diba? Sinusunod kolang ang sinasabi mo." sagot ko naman at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon ko while looking at the highway.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...