Chapter 108: Quarrel
Klenton's Point Of View
"Wow! That's kinda unexpected ladies and gentlemen—nakita nyo 'yon?. Uso pa rin pala ang tumawad ng buhay ngayon. Haha! Weilvin. Should I say that it was the coolest thing na nasaksihan ko sa loob ng mahabang panahon? And looks like he gave the DarkPinion a great favor for this. Nakaka-excite naman ang magiging laban ng dalawang squad na ito! Kung sakali mang mangyari nga 'yon."
Nakabalik na si Kristel mula sa laban and the very first thing she did, tumingala agad sya sa screen map na para bang may hinahanap ito roon.
"Isang minuto na lang! Magagawa kaya ng iba na makahabol at mahanap ang mga safe zones nila?"
Tutok lamang kaming lahat sa screen map. Less than a minute na lang bago matapos ang laban. Still, wala pa rin si Weilvin sa safe zone nito.
"Come on." napunta kay Kristel ang aking mata nang marinig ang bulong nya. She's still gazing above. Nakakuyom ang mga kamay't tutok na tutok sa laro. "Weilvin. Nasa'n ka na?"
The moment I heard him whisper again, nag-iba bigla ang pakiramdam ko. Parang may tumigil saglit sa pagkilos mula sa daloy ng dugo ko.
I thought I died for a split second. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Why?
Wala na akong pakialam sa takbo nang laro, o kahit nakarating ba si Weilvin sa safe zone nya o hindi.
My eyes are only fixated to Kristel. Na nakatitig naman sa screen kung saan pinapakita ang taong 'yon na tumatakbo.
Is it just me, o sadya lang talagang pinapangunahan ko lang ang sarili ko. Totoo ba talaga 'to?
Masakit talaga isipin kung sakaling totoo man 'to. Alam kong hindi ito napapansin ng iba naming kasama pero alam kong sa mga oras na 'yon.
Nakuha ni Weilvin ang buong atensyon ni Kristel.
Well. Obviously, gano'n talaga ang mangyayari dahil niligtas sya ni Weilvin mula sa bingit ng pagkatalo.
Kung sakali mang hindi 'yon ginawa ni Weilvin. Baka nga talaga hindi na nakaligtas ang squad namin no'ng sandaling 'yon.
She's admiring Weilvin's good deed to her and to our squad too. Kahit kami, malaki ang utang na loob sa kanya. But for Kristel, it seems more than thanks.
Nababahala ako sa kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos nito.
The moment, the timer counts to 20 below, nakarating din si Weilvin sa safe zone nito at nakaligtas sa Finalists' Arena.
At base sa naging last count ng admins, anim na squads lang ang natira para sumabak sa huling yugto ng paligsahan.
'Yon ay ang HeatEvelian. Ang GrayDriovan. Ang CreedZentan. Ang PoloGreece. Ang BlackOwls squad, at ang squad namin.
At pagkatapos, inanunsyo na ng emcee na bibigyan ng tatlong libreng araw ang anim na squads na ito bago ang championship match na mangyayari.
A day before that decisive night, ilalabas nationwide ang broadcast clip kung saan ilalahad na ang official golden bracket list para sa matches na mangyayari sa pagitan ng anim na teams.
One match. One win, one lose at 'yon na 'yon. Matatanggal o a-advance. Dalawang bagay lang ang mangyayari sa squad nyo. Either you step forward high up, or step backward and fall.
Sa loob ng dalawang araw matapos ang gabing 'yon. Ginugol namin ang lahat ng aming oras para mag-ensayo at maghanda.
We ran through dungeons again and again. Upgraded our defense and offense stats para lang makasabay sa damage na maaaring magawa ng kalaban namin pagdating ng matches.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasíaYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...