Episode #96: Ice Cream

199 33 5
                                    

Chapter 96: Ice Cream

Klenton's Point Of View

"Wow! For the 8th time, may sumunod na namang nagwagi! Everybody make some noise for the DarkPinion Squad!"

Napuno ng malakas na sigaw at palakpakan ang buong stadium. We're back from the reality and I can't stop smiling for the support of everyone.

Every single clap and shouts are very much appreciated. Kahit na hindi man nila yun alam, taos puso ang pasasalamat namin sa pagpapalakas nila sa self-confidence namin.

Isa lang kami sa mga dayuhang squads dito kaya't sobrang nakakaganda ng pakiramdam na may sumusuporta pa rin sa amin.

Ayun sa tantiya ng emcee, bawat laban ay tumagal lamang ng hindi aabot ng sampung minuto.

Hindi katagalan, ginanap na naman ang second ten matches na maglalaban-laban ngayong gabi. Every night, kailangan nilang gumawa ng labin-limang beses na ten matches to sum up all 300 squads na nandirito ngayon sa stadium.

Nasa kabilang stadium venue naman yung natitirang 300 squads pa na lagpas 12 kilometers ang layo mula rito.

"Pambihira, hindi naman yata makakayang ilaban lahat ng 300 squads sa iisang gabi lang." nandito kaming lahat ngayon sa may railings banda sa itaas na bahagi ng stadium.

"May bukas pa naman. Siguradong titigil na rin yan pagkatapos ng pang-siyam na laban." ani Ashia habang nakasandal ang braso't mukha sa railings.

Lumakas muli ang sigawan ng mga tao't napansin namin ang pagtatapos na naman ng mga matches sa ibaba. Nakakalito panoorin ang sampung magkakaibang screens na naglalaban-laban. But we have to keep our eyes to it dahil kailangan naming mag-obserba sa maaari naming makalaban sa susunod na stage.

"And now! For the last ten matches for the night. Ladies and gentlemen!"

Halos tatlong oras na ang lumipas at sa wakas, huling ten matches na rin kami.

"Hoy, Smoker. Gising. Last matches na. Manood ka man lang."

"Gusto ko na umuwi~"

"Bahala kang maiwan mamaya. 'Wag ka na gumising dyan."

"Finally. Nahanap ko rin kayo." napansin namin ang paparating na si Jeremy at hingal itong napahinto sa tabi namin. We all looked at him with curious eyes.

"Ano pong problema, kuyang tour guide?" tanong ni Joelle rito. Yun na ang tawag nya kay Jeremy sa simula pa lang.

"Umm..." bahagya itong tumigil sabay nilingon ang nag-iisang tao na nakatayong nakahalukipkip sa may tabi. He did not say anything at all except for pointing on his wristwatch many times like their just talking with their minds about time.

Nang malingon ko si $even, hindi nakaligtaan ng mata ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito, with his mouth forming an 'ohh' like he already know what Jeremy is talking about.

"I'll be back okay. Manood lang kayo sa laban. Yan ang kailangan nyong pag-aralan na mga laban sa lahat ng nangyari kanina." bilin sa amin ni Jeremy.

"I gotta go. See you around next time." mahinang tapik ang iginawad ni $even sa balikat ko matapos itong magpaalam na rin sa iba pa.

Sabay na silang umalis ng stadium, and they looked like panicking.

"Ano naman kayang gagawin ng mga yun?" tanong ni Ashia.

"Gising ka na?"

"Anong akala mo sa 'kin, tamad?"

"Nagsalita ang nakatulog." sabat ni Joelle.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon