Episode #09: Don't Tensed-up

693 87 8
                                    

Chapter 09: Don't Tensed-up

Klenton's Point Of View

"O Klent. Parang puyat ka. Tulog paba yan?"

"Ewan ko. Ganiyan na siya mula pa kaninang umaga."

"Hoy Klent! Gising. Tanghalian na!"

Bigla naman akong napabalikwas ng upo nang marinig na sumigaw na sa tenga ko si Erik kaya't mumuntikan konang maihampas rito ang mop na hawak-hawak ko kung hindi kolang din agad na nahinto yun nang mapansing natutulog ako sa oras ng trabaho.

"A-ah. Pasensya na." Sabay mabilis akong tumayo sa pagkakaupo ko kaya't napabuntong-hininga nalang din si Erik.

"Mukhang napuyat ka ata. Ano bang ginawa mo kagabi ha? Late ka din ng 20 minutes sa pagpasok—but by the way, hindi naman yun ganun ka big deal. Kahit si manager nga na late din." Saad naman ni Erik kaya't tanging napatango nalang din ako sabay nagpunas ulit sa sahig gamit ang mop.

"Hoy lunch break na. Wag kayong masyadong masipag." Biglang pumasok ang manager at mukhang may pinuntahan lang ito.

"Oo nga po manager. Etong si Klent lang talaga parang puyat kagabi dahil nakatulog—"

"Hoy. Wag ka ngang maingay." Pabulong kong sabat kay Erik pero mukhang hindi lang din naman yun binigyang-pansin ng manager kaya'r napabuntong-hininga na lamang ako.

May 20 minutes nalang kami bago matapos ang lunch break kaya't nagmadali na nga kami ni Erik na kumain ng sabay.

Ewan ko sa lalaking to, pwede naman kasing kumain na sila pareho ni Carlo kanina eh ilang minuto na pala ang lumipas ng lunch break pero ginising pa talaga ako. Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat naman akong ginawa nila yun kaya't sabay na nga kaming kumain tatlo.

By the way, hindi ko suot-suot yung ARMserver dahil iniwan kolang muna sa bahay. Para kasing nahihiya pa akong magsuot nun sa ibang tao eh. Hindi ko alam kung bakit. Basta hindi kolang talaga muna trip suotin yun lagi lalo na kapag hindi naman ako naglalaro gaya ng ginagawa ng ibang tao.

"Kagabi lang, sa isang bagong labas na ayun sa mga nasa mismong loob ng dungeon ay isa itong rank-S na dungeon sa larong Epic War Online, sinasabi sa report na mayroon itong Second-Class Boss monster na tinalo lamang ng isang player na may IGN na 'Kleojuo' at ligtas na nakalabas sa dungeon nayun. Pero ayun sa mga nakasaksi hindi na nila nakitang personal na lumabas ang player nayun mula sa dungeon maliban sa mga uwak na kumpol-kumpol na nagsilabasan din dun. Sa ngayon hindi pa nila alam kung sino ang nasa likod ng katauhan ng player na ito..."

"Grabe. Anong klaseng player ba yun? Ang astig naman niya." Naibulong naman ni Erik nang marinig niya ang balitang yun sa tv dito sa loob ng kainan.

"Anong astig dun?" Sabat din naman ni Carlo habang humihigop sa juice niya at nag ce cellphone.

"Nakikinig kaba sa balita ngayon lang? Rank-S dungeon yun. Tapos isang Second-Class Boss monster ang nasa loob tapos nag-iisa lang siya. Kahit nga ang mga alpha captains nahihirapan pang mag clear ng rank-B dungeons kahit na buong squad niya ang magtulong-tulong e. Tapos ang hahambog pa nila lahat kahit na hindi pa naman nakakatalo ng isang Second-class boss at umaastang ang lakas lakas na nila." Saad naman ni Erik kaya't napabuntong-hininga akong humihigop din sa juice ko gamit ang isang straw.

Kahit pala naglalaro ka sa loob ng dungeon, maibabalita pa rin sa lahat ang mga nangyari dun. Ang astig talaga. Pero ang big deal naman sa kanila ang bagay nayun. Well, kung sabagay, rare cases na may mangyaring ganun sa laro diba? So. Ganun lang. Ma sha shock ba ako? Why would i?

Akala ko dun lang aabot ang balitang yun. Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon, the next day, klase-klaseng trending video posts ng mga kilalang captains ng iba't-ibang squads ang nagsasabing gusto nilang i recruit si Kleojuo bilang bagong miyembro nila kaya't laman nadin sa mga balita ang pangyayaring yun at tila ba'y wala silang pigil na naghahanap ng leads or clues kung paano mako contact si Kleojuo. Ibig sabihin, nang dahil lang dun sa pagkaka clear ko sa rank S dungeon ganito na kagulo ang lahat para lang mahanap ang IGN ko sa game.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon