Episode #67: Battle At The Floating Stages Part 5

325 45 4
                                    

Chapter 67: Battle At The Floating Stages Part 5

Klenton's Point Of View

I don't have enough mana power right now. Tumataas naman ito pero halatang iisang skill lang din ang makakaya at tuluyang bababa kapag ginamit ko. Kahit ang HP ko masyado lang ding mababa kung aatake ako ngayon sa kanya.

Nakatitig ito sa akin habang walang ginagawang kilos na nakaupo sa trono nito. Sa klase ng titig nya halatang wala syang pakialam kung ano ba ang gagawin ko. Pero isa lang ang sigurado.

Mapapatay kaming lahat sa dungeon na ito kung hindi kami lalaban. Sinubukan kong lingunin ang mga kasama ko sa bandang likod pero masyado pa silang malayo para makarating dito agad.

"Tsk." I guess I don't have any other choice though. If I run away and wait for reinforcements I'll be dead before they arrive. Fighting with him might just give me a little chance na matalo ko sya.

Kainis. Alam kong mahirap pero halatang mas mahirap pa 'to sa inaakala kong mangyayari.

I turned back to this man infront pero nanlaki nalang ang mata ko nang mapansing wala ng taong nakaupo doon. Fvck!

"Are you now planning to run away?" natigil ako nang marinig ko ang boses nito mula sa likuran.

Bahagya kong pinihit ang ulo at nakitang nakatalikod din ito sa akin na nakapamulsa. Two meters ang pagitan namin sa isa't-isa.

I heard him sigh bago marahang inangatan ng tingin ang kalangitan. "If you plan to run. You can go. I don't want to waste time with cowards like you. It's not worth it for me at all."

Hindi ako makatugon rito at tahimik lamang syang pinapakinggan. This guy is absurd. Paano nya nasasabing paaalisin kami kung dungeon raid 'to. There's no way out unless we defeated the dungeon.

"The door is at the other edge of this stage. Pwede kayong umalis kasama ng mga kaibigan mo. Hindi ko kayo pipigilan." he's weird. Totally weird. There's no way a dungeon boss will say something like that especially to us intruders.

"You're supposed to be killing us. Not letting us leave unscathed. Dungeon boss kaba talaga?" hinarap ko ito.

"I am a game master. Ako ang namamahala sa dungeon na ito. Luckily, you and your crew found your way in here. Defeating even one of the giant soldiers are like an A rank boss difficulty." he said while his back is still on me. "Go away already."

I can't believe it.

"Kleojuo. The CORE is changing." napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"What? What are you saying?"

Sa pagkakataong ito pumihit na sya paharap sa akin. "Do you know who I am?"

"Who are you?" I asked out of confusion.

"I am Dengrou Drekel. Liu is my younger brother."

Nang marinig ko yun sa mismong bibig nya, biglang nag-init ang buong kalamnan ko and with a single blink of an eye nakabuwelo akong nakapag-sprint palapit sa kanya and like a lightning speed buong lakas kong ipinabulusok ng saksak ang dagger na hawak ng left hand diretso sa mismong leeg nya.

Pero inches apart nalang din sana biglang pwersahang natigil ang dagger dahil sa tila magnetic force na nakaharang sa pagitan nito at ng leeg nya.

"So you are relatives after all. Hindi ko yata alam na may kapatid pa pala ang lalaking yun?" I can't pushed the dagger more dahil sa magnetic force but I am still trying.

Kalmado lamang syang nakatitig sa akin. "I know how much you hate your family's relatives. Na aabot na sa puntong bigla-bigla kana lang nagagalit at aatake ng walang binibigay na kahit anong senyales. No one supported you and your brother when the wealth is on our favors. It was such a very selfish act. Trust me. Nagsisisi ako na hindi ko kayo natulungan nung mga sandaling yun."

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon