Chapter 06: Leveling-Up
Klenton's Point Of View
"Ghost-type monster ba yan?"
"Baka Alpha-type monster?"
"Mga gago! May monster bang nagsasalita?"
"Kung ganun, ang ibig sabihin."
"Tama. Walang duda. Isang player din ang nilalang nayan."
"Pero bakit ganiyan ang itsura niyan? Hacker yata."
"Imposibleng hacker yan. Kapag pumasok ka sa game nato bilang hacker automatically, malalaman yun ng CORE kaya't mabilis ka nilang mapipigilan at masisira agad ang account mo. Kasama yun sa rules ng laro."
Pinakinggan kolang silang nag-uusap habang hindi pa rin binibitawan yung babae. Mahina nalang akong napabuntong-hininga hanggang sa nung mabalik muli sakin ang atensiyon nila kaya't sa parehong pagkakataon ding yun.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila kaya't gulat silang napahanda ng kanilang sarili.
"Heh! Ang bagal naman niyang tumak—" hindi kona pinatapos ang sinasabi ng pinuno nila nang sa isang kisapmata lang ay mabilis akong lumitaw sa likuran niya kung saan ay nakaharap ako ngayon sa babaeng hawak-hawak nila. Pati siya ay nagulat din sa nangyari.
"Aba't—" nang umakmang lilingon ang pinuno nila sa akin, mabilis ko ulit na ini activate ang skill ko.
"Crow manipulation." Isang malakas na bugso ng hangin ang kumawala mula sa mismong kinatatayuan ko na parang shockwave na kumawala at kumalat sa palibot ko kaya't sa sandaling din nayun tuluyang nagkalat ulit ang katawan ko bilang uwak sa paligid ng mga taong nito.
Some of them were hit by the fast burst of crows sa mukha, sa tiyan sa dibdib sa paa kahit sa braso blasting them away from me with over 10 meters distance at most, maliban dun sa lalaking nakayakap pa rin ang braso sa leeg ng babaeng kaharap ko. It's not easy to target him with crows lalo pa at masyado silang magalaw. Hindi naman problema yun.
Dahil nga wala nang nakahawak ngayon sa dalawang paa at kamay ng babae, siya na mismo ang gumawa ng paraan para makawala sa lalaking yun.
Mabilis at malakas na ipinagsaklop ng babae ang dalawang palad niya just across his chest-level at kasabay din nun ay biglang may dalawang energy shield ang umangat sa magkabilaang lupa at mabilis itong nagbanggaan sa likod mismo ng babae at dahil nga nandun din sa likod niya ang lalaki ay kaagad itong tila kamatis na napigsa sa sobrang lakas ng impact ng mga walls nayun.
He was killed instantly. Ang savage.
Nabuo na ulit ang katawan ko at nakatayo pa rin kaharap sa babaeng player at sa pagkakataong ito ay nabuo nadin ang mukha ko. Pero nung sandaling lumingon ako sa paligid bigla nalang tila usok na naglaho ang mga players na napatalsik ko kanina.
Oh. They definitely ran. They must be scared to fight a monster-like avatar gaya ko ngayon kaya't wala silang naisip na ibang paraan at tumakbo nalang muna. I'm not sure if they will come back.
"Who are you?" Mabilis na nabalik sa babaeng kaharap ko ang aking tingin nang bigla niya akong tanungin. "By the way, thank you for saving me. Ilang araw na akong iniistorbo ng mga lalaking yun kaya't salamat talaga at dumating ka."
Hindi naman ako agad nakatugon at ngiti na lamang na napahawak sa batok ko. "No. It's okay. Napadaan lang din kasi ako. New player kasi ako—"
"Wait! New player kalang?!" Bigla naman nitong putol sa sinasabi ko kaya't taka akong napatingin sa kaniya. Why is she sounding so surprised? "As in bago kalang talaga?"
![](https://img.wattpad.com/cover/290814506-288-k231719.jpg)
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...