Episode #27: Blue Dragon Quest Part I

656 68 3
                                    

Chapter 27: Blue Dragon Quest Part I

Klenton's Point Of View

5 minutes na ang lumipas since we came inside this dungeon. Ang main plan ay apat lang kaming pupunta but it turns out, may ka-party kaming iba so dagdag na tatlong members pa.

"Did you really find it?"

"I guess I did! Ang ganda nga ng armor eh. Matagal kona rin yung hinahanap sa kahit saang shop."

Naririnig namin ang mga itong masayang nag-uusap sa bandang likuran.

"And it is worth half a million golds din para mabili."

"What?! Are you kidding me?" they sound excited despite us inside this dungeon. Everything might happen unexpectedly so nakakabilib na cool-head lang sila. Even me, Peniron and Kristel are just calm walking.

"Hoy mga pandak. Hindi kayo sumama dito para magfield trip kaya umayos kayo kung ayaw n'yong masipa." sita naman ni Ashia sa mga ito. Except him, mainitin talaga ang ulo niya.

Napabuntong-hininga naman ako. After a couple of minutes walking, napahinto din kami nang may makita kaming two ways na magkakahiwalay sa tunnel na ito.

"This is puzzling. Mukhang dito na nagsisimula ang laro." hindi ko maiwasang maibulong yun.

"Ah guys? There's something moving down there!" may tinuro naman kasabay nun si Kristel mula sa aming likuran.

Napalingon naman kami dun and complete darkness lang ang nakikita namin. Well, it's not that kinda dark talaga, dahil may kunting torch light naman sa bawat dingding ng tunnel, that's how we can track our steps back there hanggang dito.

"Parang wala naman akong nakikita ah." Sambit ni Peniron. He ignited a fireball in his right palm then throws it away catching a glimpse of light on the dark part of the tunnel we just went by.

But then hindi pa man tuluyang nakakalayo ng bulusok ang fireball nayun, another blue fireball from opposite direction came in contact with it causing a loud explosion.

Dahil sa banggaan ng dalawang magkakaibang fire powers kumawala ang malakas na shockwave blast na nagpabitak sa paligid ng tunnel especially sa malapit sa pinagsabugan nito.

"That's cool!" sigaw ng isa sa kakampi naming batang player.

"Will you just shut up!" sita ni Ashia rito.

"I guess this is the entrance. Sumunod kayo." Niko, isa dun sa batang player ang nagturo sa may kanang bahagi ng palikong tunnel at dun ito tumakbo.

At kami namang mga uto-uto sumunod din sa kolokoy.

"No! It's not! Mali pala ako." saad muli ni Niko when we ended up on a dead end kaya't muntik na talagang mabatukan ito ni Ashia kung hindi lang ito hinila ni Kristel sa leeg.

Bumalik kami sa aming pinanggalingan at dun sa kaliwang tunnel na iniwan namin ang sunod na aming pinuntahan.

"Guys! Guys! Guys! Guys! There's a sleeping zombie over there." Jen. Isa rin sa batang player ang nagsalita't may tinuturong nakahandusay na patay ng tao sa gilid lang din ng tunnel na dinadaanan namin ngayon.

"None of our concern." pambabara naman ni Ashia rito.

"Where the heck is that nest here?" bulong ni Niko.

"Anong nest ba tinutukoy mo?" tanong ni Jen sa kaniya.

"Eh diba Dragon ang hinahanap natin?"

"Eh kung dragon nga, ibig bang sabihin nun na nest agad ang hahanapin natin?" sabat naman ng nakangising si Ashia.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon