Episode #49: RedNeon vs. DeathGrave Part 4

349 51 5
                                    

Chapter 49: RedNeon vs. DeathGrave Part 4

Klenton's Point Of View

'Tama ba itong nasasaksihan ko? Ngayon kolang nakitang nagkamali ng kilos ang isang malakas na player na gaya niya. Posible ba kayang matatalo na ang RedNeon sa pagkakataong ito? At ang DeathGrave na ang magpapatuloy sa buong natitirang mga laban? Hindi natin masasabi sa ngayon ang maaaring mga kasagutan.'

Kagaya ng sinabi ng emcee, nanganganib na ngayon ang RedNeon. Malapit ng mawalan ng HP si Jason ngayon dahil sa poison. He uses his only potion to cease the first poison pero sa mali o nakalimutang impormasyon niya, sa ganito nauwi ang lahat.

Mukhang kinakabahan talaga siya hanggang ngayon. And look how bad that nervousness of his had brought him now.

"Paano nga ba matatakasan ni Jason ang kakayahan ni Liu. Eh iisang potion lang naman ang kaya nating dalhin sa Arena diba?" saad ni Ashia. "kaya kung dalawang poison ang maipapasok ni Liu sa katawan mo, siguradong yun na ang katapusan mo."

"Maliban nalang kung may kakampi ka sa malapit na pwedeng tumulong at isakripisyo ang dala nilang potion para alng maisalba ka." dugtong ng nakahalukipkip na si Peniron sa may gilid ko rin. Nakalinya kami ngayong lahat na magkakagrupo sa isang railings at pinapanood ang mga huling minuto ng nagaganap na laban sa pagitan ni Jason at Liu.

"Maiiligtas pa nga si Jason kung may kakampi siya sa malapit." sabat naman ni Joelle. "pero sa nakikita natin sa map medyo may metro pa ang kalayuan ni Briar mula sa lokasyon nila."

"Maliban nalang kung may Healer silang kasama. Hindi yun magiging problema diba?" sabi ko naman at napatango silang lahat at napatingin sa nag-iisang babae naming kasama.

"Kung sakali mang si Liu ang makalaban natin. Mas mabuting nasa tabi lang ako ni Kristel. Poprotektahan ko siya anumang mangyari." saad ni Ashia.

Natawa si Peniron. "Ikaw ang poprotekta o kabaliktaran?"

"Anong sabi mo?"

"Tingnan nyo. Nakikita na sa map si Tenjino." nang sabihin yun ni Niko bigla nga naming natitigan ng mas maigi ang LED screen and in fact tama nga siya.

Mukhang ilang minuto rin siyang nagtatago sa mga bushes kayat' hindi talaga siya makita ng mas malinaw kanina pa. And it looks like, may nakahanap narin sa kanya and it is fast approaching towards him right now. Mukhang exciting at nakakakaba ang mangyayari bukod sa kondisyon ni Jason. Nakakalito na talaga kung sino ba sa kanila ngayon ang mananalo.

******

Tenjino's Point Of View

I thought Jason will chase me to death nung oras na mapinsala niya ang isang paa ko kaya't nataranta talaga ako and quickly decided to save my HP and run away.

At ngayon mukhang nahanap ko na siyang nahihirapan na at wala ng sapat na lakas para lumaban. Kaya't ito na ang tamang oras para umatake ng palihim at tapusin na siya ng tuluyan.  Kapag ako ang nakapatay sa kanya, siguradong malaking usap-usapan yun ng lahat. Makikilala narin nila ako hindi lang bilang isa sa mga Savage Mages kundi ang pinakamalakas na player sa larangan ng Pro League Tournament.

Sakto na ang posisyon ko ngayon. Mula sa likuran ng nakaluhod at nanghihinang si Jason mga 16 meters distance naka-squat ako ngayon sa isang sanga ng puno at nakaharap sa kanya. Malinaw ang visuals at saktong-sakto ang anggulo mula rito na diretsong matatamaan talaga siya ng gagawin ko.

Kapag dumating ang natitirang kakampi niya at bibigyan ng potion malamang hindi na mauulit ang bihirang pagkakataong ito ngayon para sa akin. Hindi ko alam kung bakit tutunga-tunganga lang si Liu ngayon kahit na pwedeng-pwede na naman niyang tapusin si Jason anumang oras niya gusto.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon