Episode #36: DarkPinion vs. Phantom Part 2

462 72 9
                                    

Chapter 36: DarkPinion vs. Phantom Part 2

Klenton's Point Of View

Nang mabalik ko ang tingin dun sa direksyon nina Kansai at Alcan hindi muna sila kumilos at pinagmamasdan lamang ako ngayon. Tila magnet namang bumalik kay Kansai yung hammer niya kaya't nung akala kong aatake na ulit ito saakin ay nagkamali ako. "Let's retreat for now. Hanapin natin si Heroline." sabay yukong sumang-ayun naman sa kanya si Alcan.

Hindi na ako nakapagsalita o nakakilos pa nung magsimula nading magsitalunan silang dalawa sa bawat bubong ng mga kabahayan hanggang sa makaalis din sila sa village at nawala nalang sa gubat.

Hindi ko man gustong isiping swerte ako pero mukhang ganun naman talaga ang nangyayari ngayon. Napabuntong-hininga nalang din akong nailuhod ang aking isang tuhod sa bubong at siniguro monang walang kalaban na nasa paligid bago din sinubukang buksan ang bag ko pero dahil nga bali pa rin ang mga braso ko, mukhang imposible kopa yung gawin ngayon. Kainis.

Ano bang iniisip ng dalawang yun? Bakit ba nila ako hinayaang mabuhay pa kung mas lamang naman sila ngayon laban saakin. Natakot ba sila dahil lang sa napatay ko yung kakampi nilang assassin? O mas pinili lang talaga nila akong buhayin sa ngayon dahil may mas maganda silang plano sa akin.

Uunahin ba nila yung mga kakampi ko? Hindi rin yun imposible. Pero more than half na ang nawalang HP sa akin. Bakit ba nila pinaalmpas ang bagay na 'to at iwanan ako matapos kong matanggap ang combo attacks nila. They must be picking over me. Minamaliit na yata nila ang kakayahan ko dahil lang sa nahulog ako sa mga surprise attacks nila. Asar!

"Captain!"

Bigla akong napalingon sa isang side ng street sa may ibaba nitong bahay nang marinig ang boses nayun. At napansin ko naman si Kristel na hingal na tumatakbo ngayon papalapit sa akin. Good thing she's here.

Umakyat kaagad siya dito sa bubong at sinimulan na kaagad ang pagpapagaling sa braso ko. "Narinig ko ang ingay ng labanan mula sa gubat kaya't nagmadali agad akong pumunta rito. Pero. Mukhang huli na pala ang dating ko."

Umiling ako. "Hindi. Tama lang na hindi ka muna nagpakita kanina. Dahil malamang hindi aalis ang mga kalaban ko kung nandito ang healer namin." sabay pinagmasdan muli ang paligid. "ikaw ang puntirya nila kaya't mag-iingat ka. Nandito lang ako para suportahan ka."

Napangiti naman siya. "Ayos na." sabay huminto na siya sa pagpapagaling sa akin kaya't nagpasalamat agad ako.

56% lang ang HP na kaya niyang ibalik sa akin ngayon kasi hindi rin sapat ang mana mayron siya ngayon. But it's okay. At least may bumalik pa rin. Uminom nalang ako ng potion kaya't bumalik nadin hanggang 79% ang HP ko.

"Nakaharap nyo ba si Heroline?" tanong ko sa kanya and she nod.

"Ayos lang poba kayo, Kuya?" bigla namang sumulpot si Niko sa likuran ko kaya't ngiti ko naman itong tinanguan din. 

"Buti nakaligtas kayo." saad ko at napabuntong-hininga naman siya.

"Malakas na player si Heroline. Hindi man lang namin siya kayang gasgasan kahit isang HP man lang. Pinagtulungan na nga naming apat pero kami pa ang nalagasan ng kakampi." sabi ni Kristel.

"Ayos lang yan. Babawi tayo ngayon." pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanila. "nasaan na pala si Ashia?"


<HEROLINE HAS SLAIN ASHIA>


Natigilan naman ako sa aking biglaang nabasang notification na kakarating lang din at mukhang ganun din ang nagiging reaksyon ng dalawa kopang natitirang kasama ngayon. Nawala agad ang dalawa sa malalakas na players namin. Mukhang oras na talaga para kumilos kami.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon