Episode #30: Blue Dragon Quest Part IV

483 73 5
                                    

Chapter 30: Blue Dragon Quest Part IV

Klenton's Point Of View

"Anong nangyayari? Bakit hindi pa natatapos ang quest hanggang ngayon?"

"Isa lang ang maaaring sagot sa tanong nayan." sagot naman ni Peniron sa akin habang seryosong pinagmamasdan ngayon ang aming paligid. "tingnan mo, kusang nagsisialisan ang mga werewolves na para bang may kinakatakutan silang isang bagay."

Nang sabihin niya nga yun napansin ko ring mabilis din namang nagsisitakbuhan ang mga werewolves papalayo. Kung tungkol sa rank SS boss monster ang dahilan nun, may matibay na rason kung bakit pwede narin kaming kabahan ngayon ng husto.

Bigla-bigla nalang din kaming nakaramdam ng malakas na pagyanig sa lupa kaya't kumalat ang pagkakabitak nito hanggang sa direksiyon namin. Tumakbo kami papalayo doon para hindi madamay sa tuluyang pagguho ng lupa at matabunan nito.

Sunod-sunod na nagsisibagsakan ang mga punongkahoy na nalalampasan namin mula sa pagtakbo at ramdam pa rin namin ang pagsunod ng mga pagkakabitak ng lupa. "Bilisan mopa." saad nito sa akin.

"Ginagawa kona nga." kasabay nun ay nagulat naman ako nung bigla nalang ding bumagsak sa aming daraanan ang isang malaking katawan ng puno na halos isang metro din ang taas. Kaya't mabilis din akong nakapagsomersault palagpas rito at ganun din naman sa kasama ko.

Kasabay nun ay nakalapag muli sa lupa sa akbialng bahagi nung bumagsak na kahoy, siya din namang mabilis na paglitaw ng isang werewolf na sinalubong kami ng kaniyang dalawang kamay para sana maitusok ang mga kuko nito sa aming mga dibdib.

Masyado yung mabilis kaya't hindi naman masyadong napaghandaan at nung sandaling halos iisang pulgada nalang sana at tuluyan nayung tatama sa amin, isang tila kidlat din naman sa bilis na lumitaw si Ashia sa likuran ng halimaw na ito't gamit ang kanang kamao niya mabilis niya itong sabay na ipinabulusok ng suntok na diretsong tumama naman sa kanang sentido ng halimaw na ito ngayon.

Tila tunog ng isang kidlat ang paglapat ng suntok niyang yun at bitak ang lupang kinatatayuan namin ngayon kasabay ng pwersang nagpatalsik papalayo sa halimaw nayun. Hindi kona mabilang if ever ilang punongkahoy ang nawasak at natumba sa paulit-ulit at sunod-sunod na pagkakabangga ng halimaw na ito sa gitna nitong gubat.

"Buti umabot ako." saad naman ni Ashia sabay nakatanggap kami ng exp's dahil sa pagkakapatay niya dun.

Hindi na namin napansin na tumigil narin pala sa paglindol ngayon kaya't muli naman naming nilingon ang bahagi kung saan kami nanggaling ni Peniron kanina. Puro usok ang paligid nito pero hindi rin naman kalaunan tuluyan itong humupa kaya't malinaw na ulit ito sa aming paningin.

"Ayos lang ba kayo?" biglang dumating naman si Kristel rito.

Ngumiti naman ako sa kaniya."Kamuntikan na kaming mapahamak dalawa. Salamat at nandito si Ashia para tulungan kami." sabay nilingon ang fighter player namin na tila proud namang tumango-tango habang nakapamaywang.

"'Wag sana lumaki ulo mo."

"Ano sinabi mo, Smoker?"

"Wala akong sinabi."

'Ikaw na nga niligtas ikaw pa galit."

Lumapit naman si Niko sa tabi ko at napabuntong-hininga naman siya. "Hindi nakaligtas sa mga werewolves sina Jen at Leo." tila pagrereport naman nitong sabi sa akin.

"Ganun ba?" tanging naisambit kona lang din. "pero sigurado akong masaya pa rin sila dahil nakaligtas ka. Dala mo naman siguro mga items na naiwan nila hindi ba?"

"Siyempre naman." tugon din naman niya agad kaya't mahina ko namang tinapik ang balikat niya.

"Kung ganun, ipanalo natin ang quest nato para maibigay mona ang mga yan kaagad sa kanila pagkatapos."

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon