Episode #91: The Flight

258 39 9
                                    

Chapter 91: The Flight

Klenton's Point Of View

The sun is yet to rise from the mountains afar, gising na ako't ang aking mga kasama para maghanda na sa aming lakad.

I woke up 1 minute earlier from the others and at exactly 4:10AM, bumyahe na kaming lahat gamit ang van papuntang airport.

Nasa shotgun seat ako katabi ang isang hired driver. Nasa likod naman ang lahat. Napapatingin ako sa bawat gusali't eskinitang nadadaaanan namin dito sa daan.

Few stores are yet just starting to open them habang yung iba'y sobrang aga talagang nagbukas. May iilan na ngang customers sa bawat kainan sa gilid-gilid, some are even early to go to their works walking there to there.

May nagja-jogging sa parkeng nadaanan namin and some are even early to make a date with someone. How romantic. Sobrang aga nilang na-iinlove.

"Ashia. Paki-abot nga ng tubig sa tabi mo." biglang hingi ni Kristel nito kay Ashia. Aligned lang ang seats nila, nasa bandang likuran si Kristel habang si Ashia ay nasa unahan katabi ang maiingay na sina Joelle at Niko.

May bottle of water kasi na nakasuksok sa backrest ng upuan ko kaya't kinuha agad ito ni Ashia, "Salo."

"Baliw." natatawang kinuha ni Kristel sa kamay nito ang bote ng tubig. "Oh, Daisy. Uminom ka na." at tsaka nya naman ito nilahad sa katabing si Daisy.

"Salamat po." ngiting tugon naman ng bata.

"Are we there yet?" hindi ako pamilyar sa airport ng Big city kaya't lagi akong nagtatanong sa driver. Half an hour na rin kasi kaming nagbabyahe so I guess we are here already. Ayoko namang gumamit ng GPS, para kasing wala akong tiwala sa driver 'pag ganun.

"Yan na po ang airport observatory tower kaya't malapit na po tayo." tugon ng driver habang tinitingnan ang isang metal tower nga medyo half kilometers away nalang ang layo mula sa aming kinaroroonan ngayon.

"Hoy, Smoker." biglang tinawag ni Ashia si Peniron na nasa pinakahulihang seat nitong van. Nakatalukbong ang dark hoodie nito sa mukha habang nakahalukipkip na nakasandal ang likod sa upuan. "malapit na tayo kaya't gumising ka na dyan, iiwan ka namin kapag 'di ka pa gumising dyan."

"I'm awake, idiot." tugon naman nito.

After the van was parked, nagpasalamat na rin kami sa driver matapos naming makuha ang lahat ng gamit mula rito.

"Baka may nakalimutan kayo." paalala ni Ashia.

Taka namang napalingon sa kanya si Peniron. "Nagsalita ang walang dalang bag."

Sa narinig ni Ashia, tsaka pa lamang nya napansing wala nga itong dalang kahit ano sa kamay nya.

"Ahh! Teka, manong! Yung bag koooo!" sigaw nitong habol sa van na papaalis na ng parking area. Buti nalang tumigil ito bago pa makaliko sa highway road dahil napansin nya si Ashia sa rearview mirror na tumatakbo.

May napapansin naman kaming tila fans na umaaligid sa paligid and before they can even see us nagyaya na agad si Peniron na pumasok na kami.

"Oh. Good, you're all here." presensya agad ni Dengrou ang bumungad sa aming lahat after we passed on the security checks.

Sobrang daming tao ang nakasabayan namin kahit medyo maaga pa lang. Pero well-organized naman kaya't wala kaming naging problema at madali lamang kaming nakakuha ng sarili naming mga tickets.

Naupo muna ang iba sa amin sa mga seats sa paligid bago maihanda ang private aircraft na sasakyan namin.

Habang kinakausap ni Dengrou ang piloto ng aircraft sa isang tabi, nilapitan ko naman si Kristel na pumipili ng inumin sa isang vending machine.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon