Chapter 28: Blue Dragon Quest Part II
Peniron's Point Of View
Minutes after we departed into three groups, sabay kaming naglalakad ni Kristel ngayon. para makatipid ng Mana nagdala din ako ng torch gaya ni Kristel. Bakit ba kasi gabi pa ang setting ng quest na ito. Mas mahirap ito dahil limitado lamang ang kayang makita ng vision namin.
Medyo malamig din ang paligid at palagi ring dumadaan ang bugso ng hangin kaya't mas lalong lumalamig sa paligid. "Wait, may naaaninag ako." Suddenly, biglang nagsalita ang kasama ko kaya't napatigil kami sa paglalakad.
"Anong nakita mo?"
"There." sabay turo dun sa isang may di kalayuang bahagi nitong gubat, "may nakikita akong kunting liwanag."
I squinted my eyes trying to narrow down the direction she is pointing, hanggang sa may kunting maaninag nadin akong sign na may light ngang nandun, "Hindi ito ganun kalayo dito." saad ko naman sabay nilingon siya.
"What do you think, pupuntahan ba natin?" she asked.
"That might be the location of our objective, so why not?" she smiled nang marinig ang isinagot ko.
"Then let's go."
****
Ashia's Point Of View
"Hoy bilisan nyo na diyan."
"Ikaw kaya 'tong mabagal."
"Pwede bang magpahinga muna tayo."
"Pang-apat na beses munang sinabi yan."
"Iwanan nalang kaya natin yan dito."
"Kuya Ashia, sa tingin nyo poba may werewolf tayong makakaharap sa gubat na ito ngayon?"
"Posibleng ganun na nga." sagot ko naman kay Jen.
"Kung ganun kayang-kaya natin silang talunin. Tatlo tayo sa grupo diba?" masayang sabi pa nito kaya't nilingon ko naman ito.
"Tama ka. Kayang-kaya natin silang talunin sa planong naiisip ko." halatang naintriga ito sa sinabi ko maliban dun sa kaibigan niyang walang ibang ginawa kundi ang magreklamo.
"Talaga po? Anong klaseng plano naman po yun?" tanong nito sa akin.
"Gagawin ko kayong pain dalawa tsaka ako tatakbo paalis. Easy. Iwas gulo." Mala sa demonyo ang boses kong pagpapaliwanag dito kaya't halatang nadismaya siya sa narinig.
"Pano mo naman matatalo ang kalaban kung tatakbo kalang pala." biglang tugon naman ni Leo kaya't ismid ko itong tinitigan.
"Paki mo kung yun ang plano ko?"
"Wag mona ngang kausapin yan, Jen."
Hindi rin nagtagal bigla kaming nakarinig ng isang malakas na pagsabog sa gitna nitong gubat. Nakakaalarma ang pagyanig ng lupa at ang pagkalas ng mga sanga ng puno't mga damo sa lakas ng shockwave na kumawala mula sa sentro ng pagsabog nayun.
Ano bang nangyayari? Kasabay ng pag-iisip ko agad nanlaki ang aking mata nang may maaninag akong isang malaking puno ang bumigay sa lakas ng bugso ng hangin dahil sa pagsabog at babagsak na ito sa mismong kinatatayuan ni Jen mula sa kaniyang mismong harapan.
"Jen! Umilag ka." sigaw ni Leo para sana bigyang babala ang kaibigan pero halatang gulat si Jen sa nangyayari at hindi na nito kayang igalaw ang kaniyang mga paa kaya't kumilos din agad ako. Halos isang metro nalang sana bago tuluyang babagsak ang punong yun sa bunbunan ni Jen, yun din ang oras na mabilis akong tumalon at nakalutang sa ereng lumitaw sa bandang kanan ni Jen. Sabay gamit ang kaliwang paa paikot kong sinipa pakanan ang katawan ng puno nayun.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...