Episode #86: DarkPinion vs. RedNeon Part 5

207 43 7
                                    

Chapter 86: DarkPinion vs. RedNeon Part 5

Third Person's Point Of View

"Hm. Looks like the climax of this game is finally at view at last." Shadow whispered with much interest. He cannot even try gaze away his amused eyes from the big LED screen looking at the two players inside the arena. "Kleojuo will definitely win this match sigurado ako ron." dagdag pa nya habang nasa binatang yun lang ang tunay na atensyon nya.

The guy beside him did not say a word pero alam ni Shadow ang titig ng mata nito mula sa peripheral view nya.

"You looked angry. May nasabi ba akong masama?" tinanong na nya ito bago pa magkaroon ng misunderstanding. And he ended right after all dahil agaran ding umiling ang katabi nyang ito.

"Minsan talaga nagiging OA ang pagiging observant mo." the guy answered to him.

Natawa si Shadow. "Sensya na. Hindi ko lang kasi mapigilang maging paranoid minsan."

"The thing is, hindi ako sang-ayun sa hula mo ngayon lang." pagbabalik ng katabi nya sa usapan nila.

Napalingon si Shadow sa kausap ng may bahagyang pagkunot-noo. "Kung ang susunod mong sasabihin ay pustahan tayo sa kung sino man ang mananalo 'wag nalang." kaagad na pagtanggi nya.

"Bakit naman? Hindi magiging masaya kung basta nalang tayo manonood dito. Ngayong dalawa nalang sila sa arena, di ba ito na ang magandang pagkakataon para malaman talaga natin ang maaaring kalalabasan ng lahat?" pangangatwiran nito sa kanya.

Umiling si Shadow't ngumiting muling binalik sa LED screen ang tingin.

"Hindi. Mas mabuti kung manood nalang. Baka kasi matalo ka pa, nananapak ka pa naman."

"Biro mo, bulok. Ang sabihin mo ikaw ang takot mapahiya kung matalo yang manok mo."

"Hindi manok si Kleojuo, tao sya."

"Ang tali-talino mo pero minsan ang simple mong mag-isip."

"Totoo naman ah."

"Manood na nga lang tayo. Baka ako pa unang ma-bobo dahil sayo."

"Iba naman talaga ang manok sa tao eh."

"Tumahimik ka na nga."

******

Kleojuo's Point Of View

Hindi ako umalis sa bayan.

Nandito lamang ako sa isang tuktok ng malapad na bahagi ng isang poste't nakaupong nakaharap dun sa  makapal na itim na usok na pinagmulan ng pagsabog kani-kanina lang.

Hawak ng kaliwang kamay ko ang scythe na nakasablay sa aking balikat while yung dark sword ay hawak naman ng kanan na nakalaylay lamang pababa sa aking harapan.

Lumakas at lumamig bigla ang simoy ng hangin at nang bahagyang kumulog, napatingala ng kaunti ang mga mata ko sa mga nag-iitimang ulap sa kalangitan.

Limang minuto na akong nandito't naghihintay na dumating si Jason pero mukhang hindi nya pa rin ako nagawang mahanap. Or was I just wrong dahil baka kanina pa nya ako nakita and he's just waiting for a cue para umatake mula sa hindi ko kayang tukuying direksyon.

There's a very big possibility that he's already watching me now from afar, tossing his explosive coin up then catching it back down while thinking of an effective way to strike me in one shot.

I'ved looked around this place numerous times. Kahit ang bahagi ng gubat na kaya kong maabot ng vision ko tiningnan ko na pero mukhang magaling syang magtago. Well. Boring naman siguro kung basta-basta ko nalang syang makikita kung saan-saan dyan.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon