Chapter 93: At The Stadium
Klenton's Point Of View
40 minutes before 7pm. Nagising na ako't naghanda na rin para sa lakad namin mayamaya.
"O. Gising ka na rin pala, kuya." saad ni Joelle nang magkasalubong kami sa hallway. He's yawning with teary eyes kaya't marahan nya itong pinunasan ng kamay nya.
"Bakit gising ka na?" tanong ko rito habang sabay na kaming lumiko sa isa pang hallway papuntang CR.
"Ako unang nagtanong sayo, kuya."
"Kuya mo 'ko kaya ikaw unang sumagot. Act of respect 'yon." tugon ko pa't kanya na lamang ikinailing.
"Bahala ka na nga dyan." at sya na ang naunang bumukas nung isa sa pinto at sinara.
Not long after, bumukas naman yung isa pang pintong katabi lang din nito at lumitaw mula roon si Ashia. Mukhang kakaligo lang nito.
"O, captain. Gising ka na pala?" bungad nitong tanong sa akin as he got out from that door.
"Ikaw, ba't gising ka na?" balik tanong ko naman sa kanya.
"Captain naman. Ako unang nagtanong eh."
"Captain mo 'ko, so you should answer me first."
"Abuso ka, captain. Alam mo yun?"
"Totoo naman a."
"Maliit na bagay pinagtatalunan pa." sya rin namang paglitaw ni Kristel mula sa kakabukas ding pinto katapat ng boys' comfort rooms dito.
She's wiping her hair na and nakasuot lang ng pajama na nilagpasan ako pabalik sa kwarto nya.
"Uy, Kristel, ba't gising ka na?" nagloloko pang habol na tanong ni Ashia rito.
"'Wag nyo nga akong damayin sa kalokohan nyo."
Natawa nalang si Ashia habang napailing nalang din akong napangiti rin. Puro nalang kasi 'ba't gising kana' ang mga tanong namin. Nakakainis kaya yun pakinggan. Obvious naman kasing dapat agahan namin ang gising dahil ayaw naming mahuli sa gaganaping event mamaya.
After kong makaligo at makapagbihis ng simple jacket and pants lumabas na rin ako sa kwarto ko. Lahat yata sila tapos na ring makapaghanda ng mga sarili at nasa sala na, sobrang iingay.
May varsity jacket kami bilang ang DarkPinion squad members at yun ang suot ko ngayon. Kahit pati merch sa T-shirt mayroon na rin kami pero yung sa jacket lang ang sinuot ko.
Sobrang ganda ng design sa likod. Isang pormang itim na piraso ng pakpak ng isang uwak. May kunting dark red background ang kulay nito pati ang printed name ng squad namin. Numbers and our last names din.
Nung pupunta na sana ako sa sala to join the others, 'di ko napigilang mapalingon saglit sa may porch side where I saw Peniron, just leaning against its railings looking every corners of the city outside.
14 minutes nalang before Jeremy arrives along with our transportation, kaya't nagpasya akong lapitan ito.
Sumalubong ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha't katawan nang makatabi ko si Peniron, nakapamulsa't hinayaan ring lamunin ng pagkamangha ang aking mga mata na pagmasdan ang liwanag ng syudad sa aming harapan.
Tamang-tama ang spot namin dito dahil katapat lang ng ilang metro ang napakalawak na city park where its landscape and how street lights were put around the place are incredibly perfect to everyone's eyes.
There is a long river around the other sides of that park too, kaya't napakaganda rin ang mga bridges na nilalagay na tawiran ng mga tao, even for any types of transportation.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasiYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...