Chapter 58: Arrogant
Klenton's Point Of View
Naglalakad ako ngayon sa isang street dahil kakatapos lang ng morning shift ko. Yung dalawang katrabaho ko, basta nalang nang-iwan dahil kailangan daw nilang makauna ng sits doon. Pwede namang manood sa tabi pero dahil sosyal ang mga kulugo, tinuloy nila ang plano kahit imposibleng may sit pang natitira ngayon sa kanila.
Mabait ang manager namin kaya maaga kaming pinaalis. At yung dalawang yun nga, hindi na ako hinintay dahil binilhan ko muna si Daisy ng pagkain na paborito niya.
Nandun na sila sa mall ngayon for sure at kasama ang mga squadmates ko.
"Salamat." lumabas ako ng store dala dala ang isang supot ng pagkain. May kalahating oras pa bago magsisimula ang event.
Nung dadaan na ako sa isang store din bigla naman itong bumukas kaya't napatigil ako dahil nakaharang ito sa harapan ko. Kung hindi ko ginawa yun malamang nauntog na ako sa matigas na pintong 'to.
And by the time it closes bumungad agad si Kristel sa harapan ko. She was also shocked nang mapagtantong nandirito ako. "What the... Bakit kaba nandyan?" tanong niya kaagad.
"Kalsada 'to kaya natural na nandito ako." sagot ko naman. "ano ba ginawa mo sa loob?" dugtong kopa sabay nilingon ang loob ng store na pinanggalingan niya. Hindi gawa sa glass ang pader kaya't sinilip kopa sa may maliit nitong siwang na bintana.
"Wala naman. Ba't ba gusto mong alamin?"
"Baka kasi nagiging drug pusher kana ng hindi namin nalalaman. Mabuti na yung sigurado."
Sinampal niya ako sa balikat kaya't napasapo ako. "Gago ka."
"Biro lang."
"Saksakin kita diyan eh."
"Tapos gagawin mong drugs carrier ang patay na katawan ko, ganun ba?"
"Bahala ka nga diyan. Maghanap ka ng kausap mo."
Natawa nalang ako't hinabol na siya sa paglalakad. Ang bilis niya humakbang eh.
Nagkulitan pa kami sa daan papuntang mall at kinain pa yung kalahati ng pagkaing binili ko. Ang sarap ngang itulak sa daan eh para masagaan ng mga sasakyan. Pero kulong naman ako 'pag nagkataon.
"You two are late." at talak ni Ashia ang una naming nadatnan nung makarating kami dito sa waiting room kung saan kami maghihintay.
Kristel looked at her wrist watch. "May 10 minutes pa ah. Hindi pa nga nagsisimula ang emcee sa stage."
"Kung magdi-date kayo bakit ngayon pa? Hindi nyo man lang inisip na malaking kahihiyan ang haharapin natin kung sakaling matalo tayo? Captain kapa naman namin tapos ikaw pa 'tong unang-unang nagpapabaya." dugtong pang sermon ni Ashia sa amin na parang hindi niya narinig na nagsalita si Kristel.
"Pwede bang tumahimik ka muna."
"Ah basta! Walang forever."
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan." sabay binatukan ni Kristel si Ashia. "sinong nagsabi sayong manermon ka ha?" sabay akma pang sisipain niya ito kaya't ilag din naman agad si Ashia at lumayo mula sa kasama naming ito.
"Si Smoker nag-utos sa'kin."
"Dinamay mopa ko sa kalokohan mo."
"Wag kana magkaila, Smoker! Ikaw nag-utos sa'kin."
"Baliw, wag mo'ko kausapin."
"Bruce Lee, halika dito!"
"Habulin mo muna ako."
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...