Episode #89: The Contract

313 40 7
                                    

Chapter 89: The Contract

Dengrou's Point Of View

"Sa pagbaba mo ng tungkulin mo, inaasahan ko nang hindi pa kita makikita kailanman na nasa harapan ko. Kundi sa tabi ko't umaabante kasama ko. Hindi natin kailangang maging magka-away, aasahan ko ang pagbabago mo ng sarili at sana'y maging tanda ang pagbibitiw mo sa tungkuling ito bilang mahalagang aral para na rin sa sarili mo't sa karamihan."

I can't helped but smirk with his long and nonsense remarks. It's more on a sermon than an advice though. This is not for the good but for the worst. Pero ano nga bang magagawa ko kung ang high admin na ang kumilos. Wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod.

We were just both inside a quite dark room he called the admin office kung saan sya lamang ang maaari at habambuhay na magmamay-ari. It is like a wide conference room kung saan may pabilog na mesa habang may gap sa sentro nito kung saan nakapatong ang isang white glass table na nagpapa-illuminate ng mga hologram images sa bawat meeting na nagaganap dito once in two months na nangyayari.

Sa bawat sides ng pabilog na mesang ito, may inclining chairs na inuupuan na sakto lamang sa siyam na opisyal na may kontrol sa buong online game industry.

Several flags are at the sides habang marami ring litrato ng mga iilang ginagawa ng high admin sa bawat achievements na nagagawa nya.

Green curtains are covering some of the glass walls kaya't hindi talaga masyadong kita ang nasa labas nitong building. Gusto ko pa naman sanang enjoyin ang scenery sa labas mula rito sa seventh floor but this old geezer here won't allow me so better move on with that.

Nasa usual spot sya ng mesa nakaupo which is ang pinakamagandang upuan sa lahat ng nandito sa conference room kaharap ng pintuan. While my sit is just right opposite of his so evidently, five meters distance lamang ang pintuan palabas nitong room na nasa likuran ko.

The coffee served by an office worker right in my table side two minutes ago was left untouched. Hindi ko gusto ang lasa ng kape nila rito. I wonder why my grandpa always compliment them good everyday. Well. Iba-iba naman ang taste ng tao.

"Well then. Do you have anything more to say ngayong isa ka na lamang normal na mamamayan ng Big city? An apology statement will greatly suffice, by the way." he reminded me as he leaned his broad back against the backrest of his throne-like chair clasping both hands together as he awaits my response.

Napatingin ako sa isang resignation form na nasa mismong mesang kaharap ko with my signature in it, stating that I wholly agreed to drop my position as the CORE leader with the approval of the high admin. Nandito rin ang pirma nya.

Halos sampung segundo ko rin itong tinitigan lang at hindi gumalaw ni kunting sentimetro lang.

After that, walang pakundangan din akong tumayo sa pagkaka-upo't walang pag-aalinlangang kinuha ang basong punong-puno pa ng kape't buong lakas na ibinato sa mukha ng matanda.

Some of its content splattered around the chairs, table, and floors as that cup of coffee flies towards my target. Pero hindi na ako nagulat nang bigla lang ding maglaho ang matanda in a form of a hologram switch off kaya't lumundag sa malambot na backrest ang cup tsaka dumiretso sa sahig at malakas na tunog ng pagkabasag ang pumutol saglit sa katahimikan sa buong silid.

Hindi 'yon isang tunay na tao kundi hologram figure lang nya. I sighed, putting myself back together from being frustrated.

Tumunog ang bracelet ko kaya't sinagot ko na kaagad ito ng walang tanong-tanong. "Yes."

"You seemed mad by it, then why accepted the resignation agreement?" kalmado pa rin ang boses nya kahit ang pahiwatig ng mensahe'y panenermon sa akin.  "iniisip mo sigurong mas magiging malaya ka na kung gagawin mo nalang ngayon ang gusto mo. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging resulta sa desisyong ilang buwan ko ring pinag-isipan."

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon