Episode #21: The Gift

639 74 7
                                    

Chapter 21: The Gift

Klenton's Point Of View

Kinabukasan.

Dito sa usual restaurant na pinagtatrabahuan ko. 9:30 pm na ng gabi at walang masyadong customer. Kaya't nandito ako ngayon nakahalukipkip na nakasandal ng upo na nakaharap kay Erik, Carl at Joelle.

Isang pabilog na mesa ang namamagitan sa akin at sa kanilang tatlo. Magkakatabi sila maliban sakin kaya't nagmumukhang interrogation room ang vibe dito imbes na restaurant.

"Ano ba kasing mga sagot nyo? Halos dalawampung minuto na tayong nakaupo lang dito." ako na ang bumugaw sa bumibidang katahimikan sa paligid namin. Wala kasing nagbabalak sa kanilang magsalita eh.

Pinag-uusapan namin yung deal, na kung sino ang nakahula ng IGN ko, ililibre ko ng pagkain. Akala ko pa naman magiging excited sila rito, dahil sigurado akong marami na silang ideya kung sino nga ba talaga ako.

Maingay din ang tv sa loob ng kainan nato at kanina pa pinapabalik-balik ang news tungkol sa bagong kampeon daw ng AOW tournament na nangyari lang kahapon. 12:54 ng madaling araw natapos ang larong yun kaya't puyat talaga halos lahat ng mga tao nun pagkatapos. Grabe naman kasi. Kung inagahan lang nila ng kunti ang simula ng game, malamang hindi ako antok sa kalagitnaan ng trabaho ko. By the way, mabalik tayo.

Sinundot naman ni Erik si Carl na nasa tabi niya. Si Erik kasi ang napapagitnaan nina Joelle. "Ikaw na mauna. Anong hula mo?" tanong niya sa kaibigan.

Napahikab lang ito at nilingon ako. "Ewan ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari sa laro matapos akong ma-eliminate eh."

"Kailan ka naman na-eliminate?" tanong ni Erik rito.

"Dun sa Tornado attack."

"Na naman?!"

Napabuntong-hininga si Joelle kaya't sa kaniya ako napalingon. Ganun din sina Erik at Carl. "Mas mabuti sigurong, ikaw muna ang mauna, Joelle." saad ni Erik rito.

Tumango naman si Carl at isinandal ang likod sa kaniyang upuan. "Tama. Inaantok pa ako kaya mas mabuting yang bata nalang muna ang sumagot."

"Hindi na ako bata. Nag-aaral na ako." sagot naman ng kapatid ko.

Natawa si Carl. "Kaya nga nag-aaral diba? Kasi bata."

"Bakit, hindi ka rin ba bata? Parang magkasing-edad nga lang kayo ng kuya ko eh."

"Hindi na ako nag-aaral, kaya hindi na ako bata. Maliwanag? Tsaka hindi rin naman nag-aaral kuya mo diba? Kaya pareho lang kami." paliwanag naman ni Carl.

"Hoy. Saan naba napupunta usapan nyo? Hindi naba kayo interesado sa IGN ko? Sayang yung prize...na burger." sabat ko din ulit para mabalik sila sa main topic namin. Ang kukulit ng utak nila.

Napaisip naman saglit si Erik at ganun din naman si Joelle.

Napahalukipkip naman ako dahil sa mga ito. Sabay sabing; "Hindi nyo pinanood ang buong laban no?"

Sa sinabi ko, natigilan naman sila't saglit na nagkatinginan. Bago muling binalik sa akin at tila nahihiyang napangiti naman ang kapatid ko sakin at si Erik. "Wala akong kinalaman diyan." sabay umiwas ng tingin si Carl.

"Hoy. Alam kong nakatulog ka matapos kang ma-eliminate sa game. Kaya hindi ka rin nakapanood sa buong laro." sabi ni Erik rito.

"Eh ikaw. Hindi ka rin naman nakapanood diba?" balik ni Carl rito.

"Eh kasi naman. Nawalan kami ng signal sa bahay kaya hindi ko natuloy mapanood yun." tugon din ni Erik.

"Eh kung ganun, bakit hindi ka sa plaza pumunta? Ang laki kaya ng screen dito kung saan live yung game."

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon