Episode #26: Party

595 76 5
                                    

Chapter 26: Party

Klenton's Point Of View

"Welcome! To Azerof Town!" Ashia shouted after we arrived by the entrance of this town. Maraming nakatingin sa amin dahil sa ingay ng kasama namin.

Napabuntong-hininga nalang si Peniron habang si Kristel naman ay nakangiti na ewan.

"Mukhang nandito ang squad ni Kleojuo."

"Talaga?! Saan?"

"Hindi ko alam na may squad siyang ganiyan. Akala kopa naman marami siyang miyembro."

"Ngayon kolang nakitang magkakasama silang apat."

"Grabe. Ang cool talaga niya."

"Uy pre. Ang ganda nung Healer nila o."

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan. Hindi na namin ito pinansin bagkus ay tuluyan na kaming pumasok sa loob ng town na ito.

And mamayang gabi na officially magsisimula ang prelims matches ng Pro League Tournament. Five-on-five ang labanan dun, so nandito kami sa town ngayon. To find ourselves a fifth member.

Naglibot-libot na kami sa Kentucky at sa Decridel town. But unfortunately, wala kaming nakitang suited Player na sa tingin ko'y nababagay sa traits ng grupo namin.

"Pasensya na pero kapag ganiyan, hindi ka namin pwedeng tanggapin."

Or mas tamang sabihin na hindi nababagay sa traits na hinahanap ni Peniron at Ashia.

"Ako si Ashia, ang Ace Player ng DarkPinion squad kaya't kailangan nyo akong maimpress para makapasok kayo. Pero sorry. Hindi ka talaga nakapasa sa standards ko."

Lalong-lalo na yang si Ashia. Putek, kung mag-interview sa mga recruit Players parang pang national League kami sasabak. Eh sa mismong siyudad lang naman namin.

"Sorry pero ang gusto namin, hindi yung masyadong mayayabang na Players dahil makakasagabal lang sila sa teamwork. Pasensya na talaga ulit." saad ni Peniron, trying his best not to look arrogant while saying it to the recruits.

Kaya't ang ending, palaging malungkot na napapaalis ang mga players na gusto sanang sumali samin.

"Ayaw daw nila ng mayayabang na Players pero bakit nila pinasali ang fighter na si Ashia?"

"Oo nga. Ang unfair."

Grabe. Nagiging masamang squad na tuloy kami sa lahat dahil sa pinaggagagawa ng dalawang 'to.

Nandito kami sa bench nakaupo ni Kristel habang pinapanood lamang ang dalawang tukmol nayun na makipag-usap sa mga Players. Leave it to me. Yan ang sinabi sakin ni Ashia kanina dahil magaling daw siyang kumilatis ng Players na bagay sa squad namin.

Ang problema, ganun din ang sinabi ni Peniron so ang ending, silang dalawa ang nandun ngayon.

Then Kristel heave a sigh out of knowhere dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "May problema ba? Mukhang pagod ka ah." tanong ko naman rito, then she just smiled.

"Ayos lang ako, wag mona akong intindihin."

Napabuntong-hininga narin naman ako. "Sa totoo lang. Mukhang alam kona ang dahilan." sabi ko rito. "Nababagot ka, tama?"

Halatang nagulat siya pero saglit lang yun tsaka siya muling ngumiti sa akin. "Grabe. Ang talas ng pakiramdam mo." komento naman niya't tumingala sa kalangitan. "May naalala lang kasi akong hindi magandang alaala noon."

Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya. "Pwede kobang malaman?"

"Gusto mo akong magkwento sayo?" natatawa nitong sagot at ngiting tumango naman din ako.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon