Chapter 22: Hundred Doors And Mystery Part I
Klenton's Point Of View
"Sa wakas. Natapos din!" ngiting sambit ni Ashia. Napatango naman din sina Kristel at Peniron rito.
Kakalabas lamang namin apat dito sa Squad Registrar House ng Decridal town. And officially, iisang squad na kaming apat ngayon kaya ang saya talaga ni Ashia. Halatang-halata sa mukha niyang tila smiley emoji dahil tila permanent na ang ekspresyong yun sa kaniya.
Nung mabalitaan kasi niyang bubuuin na namin ang squad, siya ang mas excited sa aming apat. Sa sobrang excited niya maaga ng isang oras ay nandito na siya sa Registrar House kahit malayo pa ang mga kaluluwa namin dito at nasa real world pa. Tapos ang sabi pa niya, ang tagal daw namin dumating. Ewan ko sa lalaking 'to.
"DarkPinion squad. Simula sa araw na ito, yan na ang itatawag sa grupo natin. Ang astig diba?" pagmamalaking saad ni Ashia sa amin.
Peniron sighed. "Maganda nga, pero bakit Pinion pa ginamit mong word kung pwede namang feather. Ang awkward tuloy pakinggan." reklamo nito.
I feel him. Halos magkahawig kasi yung Pinion sa Peniron eh. Baka kapag may tumawag o bumigkas sa squad namin, maging 'DarkPeniron' pa mabanggit niya. Ang saklap nun.
"Eh wala na naman tayong magagawa dun eh. Tsaka bakit ngayon kalang nagreklamo? Kung sinabi mo agad kanina ang concern mo edi napalitan na natin. Ang tahimik mo kasi lagi eh." saad din naman ni Ashia dito.
"Eh pano ba ako makakareklamo, kung daldal ka ng daldal kanina pa."
"Huwag na kayong magtalo, natapos na eh." awat naman ni Kristel sa dalawa bago pa ito magkasagutan ng mas malala, then she took a glance at me. "Diba dapat tanungin nalang natin si Captain para mapag-desisyunan ng final ang pangalan ng squad?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya at napaturo ako sa sarili. "What do you mean?" I asked.
"Hindi moba alam? Ikaw ang Captain namin kaya dapat alam mona yan kanina pa dun sa loob." sagot din naman ni Ashia.
"Ako? Ako ang Captain?" pag-uulit kopa and Peniron just answered a nod habang nakahalukipkip.
Just to be sure, tiningnan ko ang IGN profile ko, then confirmed. Ako nga talaga ang Captain nila. "Bakit nyo naman ginawa yun?"
"Simple lang. We three voted for you to become our leader." sagot ni Ashia.
"At hindi nyo man lang ako tinanong?" tugon kopa.
"Exactly." muling tugon ni Ashia forming a peace-sign with his two fingers.
Hindi kasi ako nagbabasa kanina habang nasa loob dahil maraming tumatakbong bagay ngayon sa utak ko. Lutang ako. Kaya't hindi ko namalayang naupo na pala ako sa isang posisyon na hindi ko alam kung qualified ba talaga akong gumanap.
"Pero sigurado ba kayong ako talaga pinili nyo? Newbie lang ako. And that means, kulang ako sa karanasan para sa ganitong bagay o responsibilidad." Paliwanag ko naman sa kanila.
Pero umakbay lang sa akin si Ashia. "Huwag kana ngang mag-alala diyan. Alam naming bagay sayo ang maging isang Captain ng squad nato. At sa sandaling ito..." Sabay tinuro ng isang kamay ang kalangitan. "magsisimula na ang dungeon adventure natin!"
Natawa naman sina Peniron at Kristel sa ginagawa ng Ashia nato.
Then minutes later. Mabilis lang na dumaan ang segundo at nandito na kami ngayong apat sa isang madilim na gubat. The wind is touching us cold kaya't napayakap si Kristel sa magkabilang balikat at napadikit sa akin which only startled both of us.

BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasíaYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...