Chapter 32: Meeting Them In Person
Klenton's Point Of View
"So nanalo ba tayo?"
Bungad agad na tanong ni Ashia the moment na makalabas na kaming tatlo nina Kristel at Niko sa dungeon. Nakaabang na sina Ashia, Peniron pati narin sina Leo at Jen.
Tumango naman ako at sobrang saya nilang lahat. "Grabe. Hindi talaga ako makapaniwalang nakasali tayo sa dungeon raid nila." ngiting sambit ni Jen at tatango-tango din naman si Leo sa kanya. Pareho nilang nilingon si Niko na lumapit sa kanila.
"Nakakahiya tayo. Hindi man lang tayo nakatulong." saad naman ni Niko sa kanila.
"No. You three are a great help. Buti nakasama namin kayo sa dungeon na ito. We can do it again sometime." ngiting saad ko naman sa kanila lalo na kay Niko dahil napakalaki talaga ng naitulong niya sa amin dun. Kung hindi dahil sa tapang at pagiging kalmado niya malamang hindi kami makaka-survive dun till the end of the raid.
Tila lumiwanag naman ang mga mukha nila nang marinig yun mula sa akin. "Maraming salamat po!" yukong saad nila sa akin kaya't natawa ako. Hindi naman nila kailangang maging ganun kagalang. It's still just a plan na maka-party namin silang tatlo sa another dungeon raid.
"By the way, may nakuha ba kayong kahit ni isa sa mga items ko dun. I'm sure occupied kayo sa laban so hindi nyo na yun nagawang balikan at kunin." Peniron said, a little bit lonely thinking na isang malaking item loss din yun sa kanya.
"Kainis naman kasi. Bakit ba hinayaan kolang na mamatay ako ng isang minion monster lang. Pinagsisisihan ko talaga yun hindi kona magawang ialis sa utak ko." and not just Peniron, pati rin naman si Ashia and those two brats too.
"Wag kayong mag-alala." biglang ngiting sabat naman ni Niko kaya't napunta sa kanya ang tingin naming lahat. "dahil nandito yun lahat sa item inventory ko." he continued.
"Seryoso ka?!" luwa ang matang halos kidlat din naman sa bilis na nakalipat ng pwesto si Ashia mula sa tabi ni Peniron hanggang sa harap ni Niko ngayon.
"Pati rin ba yung sakin?" excited na tanong ni Leo and even Jen can't wait to retrieve his items back.
"Seryoso ba siya? He might be joking all of this." tila hindi naman makapaniwala't nagdududang tanong ni Peniron sa sarili while watching those brats kasama si Ashia na maingay na ngayong nagpapalitan and even nag-aagawan na ng items. "Hoy teka lang. Dahan-dahan lang atat kayo masyado eh." natatawa nalang din namang paulit-ulit na bilin ni Niko sa tatlong ito but none of them even Ashia did not care on listening to him.
"Alam kong totoo ang mga sinabi niya. Nagdududa ka man pero hindi siya nagsisinungaling." sagot ni Kristel reassuring Peniron na hindi lang yun gawa-gawa ni Niko. "mabilis siya at full of responsibility ang personalidad at pag-iisip kahit sa ganyan ka murang edad lamang. Honestly, none of us even think of retrieving your items in between those flames kung saan ka namatay pero siya, he found a way to get them kahit nasa crisis minutes kami no'n. Nakakahanga siya."
Kahit sino talaga. Hahanga sa taglay na galing at lakas ng batang yan lalo na kapag personal mong masaksihan ang husay niya. May naaalala nga akong pro player din dahil sa kakaibang bilis niya eh. Yung si Lenjin. They're speeds are almost alike.
"Kung ganun, kailangan ko palang magpasalamat sa kanya." tugon ni Peniron, then he looked both of us. "dahil kumpara sa sariling squadmates ko hindi man lang naisip gawin yun para sakin."
Natawa naman kami pareho ni Kristel sa tila pagtatampong reklamo niya. "Hindi naman ganun yun, Peniron. Nakaligtaan alng talaga naming gawin yun." pangangatwiran naman ni Kristel.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasíaYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...