Chapter 59: DarkPinion vs. DeathGrave Part 1
Klenton's Point Of View
"So, what do we have here." saad ni Ashia covering his eyes from the sun rays above habang nandito kami nakatayo sa may edge side ng isang bundok. "Saan tayo pupunta captain?"
"Let's observe the whole place first. Tsaka tayo gagawa ng kilos." payo ko rito kaya't ganun nga ang aming ginawa.
Magkatabi lang ang portal point naming dalawa kaya't maswerte kami ngayon. Saglit naming pinagmasdan ang paligid hanggang sa may bigla din kaming narinig na sunod-sunod na pagsabog.
"There." may tinurong lugar si Ashia at mula nga dito ngayon sa aming kinatatayuan, may nagpakitang usok sa pagitan ng mga puno halos hundred meters din ang layo sa amin ngayon.
<LIU HAS SLAIN KRISTEL>
"Nahuli nila ang healer natin!" sambit ni Ashia kaya't napabuntong-hininga na lamang ako. Kaasar naman.
First minute palang ng laro, wala na ang support player namin.
"Ano na gagawin natin?"
"Kailangan nating gumanti ng kill. Bilis!" sagot ko din sabay tumalon pababa nitong mismong bundok diretso sa mga puno sa ibaba.
Ikinalat ko ang aking katawan na nag anyong mga uwak para hindi ako manganib habang pabagsak. Samantalang si Ashia naman ay mabibilis ang kilos na nagpapalipat-lipat ng binabagsakang mga nakausling lupa at bato dito sa pangpang na binababaan namin.
Kahit lumilipad ako pababa nasasabayan pa rin niya ako sa bilis kaya't nung makarating kami sa lupa bumalik na ako sa pagiging hugis tao na hindi tumitigil sa pagtakbo at ganun din si Ashia sa tabi ko.
Mabilis ang pagro-roam namin sa gubat hanggang sa nakarinig uli kami ng sunod-sunod na mga pagsabog na naman.
Mga nagkakaluskusan at nababaling mga katawan ng puno at ang pagyanig ng lupa sa pagbagsak ng mga ito.
<NIKO HAS SLAIN CROW>
Napangiti naman kami sa biglaang paglitaw ng notification. Mabilis kaming nakabawi agad. Magaling.
"Captain!" dahil sa sigaw ng kasama ko alarma akong napalingon sa aming kanan banda kung saan may sobrang bilis na bumubulusok na giant dark ball energy.
Pumagulong agad kami sa harap saktong dumaan ang dark ball nayun na diretsong tumama't nagpasabog sa isang katawan ng puno sa malapit. Tumagos pa ang dark ball at tumama pa dun sa katabing puno hanggang dun pa sa katabi at katabi pa nito.
Nagbagsakan ang malalaking putol na kahoy kung saan-saan at mabuti nalang hindi pabor sa amin ang babagsakan nito.
May tatlong kutsilyo ang mabibilis na bumubulusok tungo sa aming harapan kaya't mabilis ko ring binuo ang isang dark shield sa aking kanang braso't ipinansalag ito sa aking katawan.
Tumaginting na tumama ang dalawa sa kutsilyong yun sa shield ko na tumalsik din papalayo. Habang yung pangatlo ay nasalo ni Ashia't pihit itong direktang ibinato sa kanyang likuran.
Mula limang metro nandun pala si Ork at handa ng palihim na umatake sa amin, pero dahil nga sa bilis ng pakiramdam ni Ashia bahagyang naudlot ang atake nito. Dahil imbes na magsprint slash ay gulat itong nadeflect naman paitaas ng espada ang kutsilyong ibinato sa kanya ni Ashia ng sobrang biglaan.
Tumaginting yun sa lakas kasabay lumipad paitaas. Napaatras naman ng kunti si Ork, pero bubuwelo na sana ulit itong tatakbuhin kami para atakihin.
Nang manlaki din ang mata niya nung mapansing nasa likuran na niya si Ashia ng hindi niya namalayan. Kahit ako, hindi makagalaw o makapagreact sa sobrang bilis niyang nakapunta sa pwestong yun kung kanina-kanina lang naman ay katabi kopa siya.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasíaYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...