Extra Chapter
Third Person's Point Of View
"Is it already recording?. . ."
A manly voice was heard from an unknown origin. It just suddenly popped out of knowhere from a computer feeds.
"Okay. . .eherm! I don't actually know what to do now. Ni hindi ko nga alam kung may makakita man ng recording feeds na ito. But. . .I just need to say this otherwise. . ."
Namalayan ng isang lalaking naka white coat ang boses mula sa computer nya. Sya lang ang nandito sa madilim na opisina at naka-off duty ang lahat maliban sa kanya.
"What the heck is happening?" he can't stop from whispering while trying to figure out the whereabouts of the voice. In the end. He just recorded it just in case kung mawala man ito kaagad.
". . .okay. I need to say this. Everyone might think of me as a madman but. . .our time. . .is at great risk!. . .our time is being threatened by an enormous source of virus data that can deactivate anything our technology can do!. . .and it will destroy our world so we really need help."
Natigilan ang nag-iisang lalaking nakikinig sa boses ng lalaki sa kanyang computer. Naisipan na rin nyang tawagan na lang ang may mas mataas na posisyon para ipaalam ang nagaganap ngayon sa sattelite control section ng laboratory nila.
"Mukhang may nahagip na signal ang system natin mula sa ibang panahon. . .Yeah it sounds funny pero kailangan nyong ipaalam kaagad 'to kay Master Jing. . .Hindi ako nakikipagbiruan—nagre-record pa kaya maaabutan nyo pa 'to kung magmamadali kayo rito!"
Pinatay ng lalaki ang tawag at muling binaling sa computer ang atensyon.
"Ito ang taon ng 2081. Ilang buwan kong namalayan ang virus data na aali-aligid lang at sumi-sumira isa-isa sa mga maliliit na gaming connections. Para bang meron itong sariling isip at nagiging mailap na mapansin ng iba na nandito na sya. Sobrang nakakatakot. No one believes me but I know. . .this is not normal! Hindi ko alam kung saan galing 'to pero ito na yata ang masasabi kong pinakamalagim na kakaharapin ng aming mundo. Kung saka-sakaling hindi namin malaman kung paano ito mapupuksa."
Napatayo ang lalaking nakikinig. Napatakip sa bibig at napahilamos sa mukha. Tila bigla syang pinanindigan ng balahibo at pinagpapawisan sa sobrang kaba at pagkalito.
"2081? Ang future time? Ibig sabihin galing sa taon na 'yon ang voice record na ito?" saad ng lalaki sa sarili, nagpipilit makasabay sa kababalaghang nangyayari ngayon sa mismong harap nya. Hindi normal na nangyayari 'to araw-araw.
"Anong nangyayari rito?" biglang may pumasok sa silid na isang matanda. Nagmamadali ito at kaagad nilapitan ang computer.
"M-master Jing, kasi. . ."
"Tahimik."
"Sa pagkakaalam ko lang. May kulay berde ang virus data na nahanap ko. 'Yon lang ang pwede kong magawa dahil sa mag-isa ko lang itong tine-trace talaga. Wala namang naniniwala sa 'kin kaya't kulang na kulang talaga ako sa kaalaman kahit masyado kaming matatalino rito lahat pagdating sa teknolohiya. Hindi ako nagbibiro. Totoong nanganganib kami. At base sa huling nakalap kong ebidensya. . .magpapakita ito sa Game International ng buong mundo. Si Klenton Drekel. . .ang anak ko. Gusto ko itong sabihin sa kanya ngunit masyado pa syang bata para bigyan ko ng ganitong klase ng responsibilidad kaya't. . .pakiusap. . .kailangan nyo kaming. . .<recording error>. . .tulungan. . .<recording cut>."
Tsaka lamang nawala ang boses sa computer at muling nanaig ang katahimikan dito sa madilim na silid ng sattelite control room.
Narinig ang malalim na buntong-hininga ng matanda na bahagyang napayuko't sandaling napaisip mula sa kanyang narinig.
"M-master Jing?" tawag sa kanya nitong lalaking unang nakapansin sa voice recording. Naghihintay ng maaaring utos sa kanya ng matandang ito. Pati sya'y nalilito rin panigurado.
"Hindi maaari. . .paanong may natira pang data sa virus na napuksa na natin noon?" tanong ng matanda sa sarili.
Hinarap nya agad ang lalaki 'di kalaunan na nagpagulat sa kaharap nya. "Ipatawag mo kaagad si Jeremy. Kailangan naming mag-usap."
Utos ng matanda rito bago sya nilagpasan."Sya lang po ba?" pahabol ng lalaki kaya't natigil sa paglabas ng silid ang matanda't, nilingon sya.
"Pwede ring tawagin mo ang lahat ng Evil$aints members. Para mas masaya." shutting the door up before walking away from that room.
The End
All rights reserved © 2022

BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...