Chapter 76: DarkPinion vs. Lancaster Part 1
Klenton's Point Of View
Halos 20 minutes na lang din ang natitira bago ang simula ng aming laro pero nandito pa ako sa restaurant nagliligpit ng mga basura.
"Hoy, Klent. 'Wag monang tapusin yan. May laro ka pa." dumating bigla si Erik kaya't napalingon ako sa kanya.
"Papunta na ako ro'n ngayon. 'Wag kang mag-alala." Tinuloy ko lang ang pagliligpit dito.
"Anong 'wag mag-alala. Eh kanina pa tawag ng tawag 'tong mga kasamahan mo sayo. Ang ingay-ingay na ng cellphone mo kaka-ring dun sa may counter." hawak nya pala ang cell phone ko na nakalimutan kong nailagay sa counter kanina.
"O ayan, tapos na." saad ko't hinagis sa kanya ang trash bin na agad naman nyang nasalo.
"Gago ka!" natawa lang ako't kinuha sa kamay nito ang cell phone ko't nilagpasan na syang pumasok muli sa restaurant.
After a couple of minutes lumabas na akong muli at naglalakad na papuntang venue. Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa pagta-type sa screen ng phone nang may humarang ding matigas na bagay sa harapan ko't ito'y aking agarang nabunggo. Malakas na kalabog ang narinig ko kasabay ng pagkahilo.
Masakit ang noo ko sa nangyari dahil medyo mabilis din ang mga hakbang kong yun. "Aray ko~" pakiramdam ko namaga ang noo ko dahil dun.
Nang maisara na ang pintong yun bumungad na naman sa harap ko si Kristel. Pareho kaming nagulat sa isa't-isa pero sandali lang yun. "Ano na naman bang ginagawa mo dyan, ha?" at galit pa talaga sya.
"Alam mo bang pangalawang beses mo na itong ginawa? Ang sakit, grabe." saad ko rito nang sapo-sapo ang aking noo. Kahit saang sidewalk ako dumaan umeepal talaga sya.
"OA naman. Mahina lang naman yun eh."
"OA?! Kung ikaw kaya iuntog ko dyan, tingnan natin kung mahina."
"Ang bilis mo kasi maglakad eh."
"Nagmamadali ako. Malapit na magsimula ang laban natin ngayon." saad ko sa kanya't tinuro yung malaking LED screen sa may building na malapit.
"Alam ko yan. Kaya nga nagmamadali rin ako. Una na ako sayo."
"Sabay na tayo."
"Alangan namang iwan kita rito eh pareho lang naman pupuntahan natin." she answered back kaya't natawa akong pinisil ng mahina ang pisngi nya. "Aray!"
"OA."
Hindi na lang din sya sumagot pero nakasimangut naman ito sa'kin.
Andaming tao pa ring nakapila sa may entrance kaya't nung nakasingit na kami kaagad din kaming nagtungo sa waiting room.
5 minutes na lang bago ang event nang tuluyan nga kaming nakapasok ng kwartong ito at naabutan ang mga kasamahan namin dito sa usual spot na parte ng waiting room.
Ashia quickly stared at the both of us. Tila namalayan na naman nitong magkasabay kami ni Kristel sa pagpasok.
Pero bago muling manermon si Ashia tinaasan na kaagad ito ng kamao sabay sabing; "Sige. Magsalita ka ulit ng ganun at siguradong hindi ka na makakalabas sa waiting room na'to ng buhay." pambabanta nya rito.
"Wala pa nga akong sinasabi." tanging naisaad na lang din ni Ashia. "nagbabanta ka na naman. Captain o, pagsabihan mo nga yang girlfriend mo."
"At ganun lang. Wala na kaming ace player sa squad." bulong ni Peniron kaya't natawa kami maliban kina Kristel at Ashia na nagsimula na namang maghabulan sa palibot nitong buong kwarto.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...