Chapter 02: First Combat
Klenton Point Of View
"Kuya, Kuya, gising na." Bigla akong naalimpungatan sa malakas na boses ni Joelle dahil sa paulit-ulit na pagyugyog niya sa 'kin.
"Mga pasahero. Maligayang pagdating sa Sector 5 station ng Big city. Wag kalilimutang kapain ang inyong mga gamit bago lumabas ng tren. Maraming salamat."
Dahil sa malakas na sabi ng robotic voice na 'yon ay kaagad naman din akong napabuka ng mata. Agad inilibot ang paningin sa paligid.
Kasalukuyan nang may nakatayong mga pasahero at nakapilang lumalabas nitong tren. Mukhang nakarating na nga kami.
Kaagad ko naman ding hinablot ang duffle bag sa tabi ko sabay isinukbit ito sa aking balikat at tumayo. Nakasunod lang sa likod ko si Joelle at no'ng sandaling makalabas na nga kami sa tren ay kitang-kita ko kaagad ang malawak na underground station na ito.
May taong pumapasok sa tren kaya't mabilis ko ring sinenyasan si Joelle na umalis na kami ro'n sa station na 'yon. Sa may kanang side ay may nakita kaming hagdanan papaakyat kaya't do'n na kami nagtungo.
May nakakasabay pa kaming mga tao na lumalabas ng station at hindi rin nagtagal ay no'ng maabot namin ang dulo ng hagdan ay namamangha pa rin ako kahit na minsan na rin akong nagmulat at lumaki sa napakalaking siyudad na ito.
Tila parang mas dumami ang mga tao at buildings sa siyudad kumpara no'ng bago kami mawala rito.
Maraming drones na nagsisiliparan sa bawat sulok ng kalangitan at sobrang daming advertising ads na paulit-ulit na nilalabas sa bawat giant screens ng mga matataas na buildings.
Ang dami ring sasakyan na dumadaan sa bawat sulok ng kalsada na animo'y mga red blood cells na walang tigil na tumatakbo sa bawat veins ng tao.
Kahit tirik ang araw ay tila malamig pa rin ang paligid dahil sa mga cooling drones na walang tigil na lumilipad sa itaas nitong city. Masyadong high-tech ang bawat gadgets na nakikita namin na gamit ng bawat tao rito.
"And now! Let's get this tournament started!"
May nakikita akong isang malaking TV screen do'n sa may rooftop side ng isang building na kung iisipin, ito na siguro ang pinakamataas na building na makikita rito sa buong siyudad.
Mukhang may tournament silang ginagawa at ginagawa nila yung live sa lahat para makapanood ang mga tao kahit na hindi nando'n sa venue.
Siguro 'yon na 'yong virtual reality game na ginagamitan ng ARMserver para gumana at makalaro ka. Pero imbes na maki-usyoso sa mga bagay, kailangan ko munang ipa-enroll si Joelle sa isang magandang school at para na rin makapasok ako ng trabaho. Nakapag-advance apply na ako via online kaya't ang kailangann ko na lang ay kunting interview para makapasok na rin kaagad sa isang restaurant bilang waiter. Hindi naman 'yon magiging mahirap sa 'kin dahil sanay na rin akong magtrabaho no'ng nasa Old town ako. Let's just see what happens next.
"Kuya. Nagugutom ako." Kaagad akong napalingon rito at napansing nakahawak siya sa kaniyang sikmura habang nakatingin do'n sa isang fast food restaurant, kung saan may nakikita siyang mga tao na masayang kumakain sa loob.
Napabuntong-hininga naman ako at muling tiningnan si Joelle. Pero kaagad naman din siyang ngumiti sa 'kin nang sobrang tamis sabay sabing; "Biro lang po 'yon! 'Wag nyo nalang po akong intindihin. Pwede naman akong magtrabaho nalang din tulad nyo eh."
Nilapitan ko naman siya tsaka pinitik ang ilong niya. "Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo na wala kang ibang dapat gawin kundi ang mag-aral sa siyudad na 'to dahil ako ang magtatrabaho sating dalawa." Nakapamewang kong sabi rito at inikutan pa talaga ako ng mata habang nakahawak sa ilong niyang napitik ko.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...