Episode #51: DarkPinion vs. DarkArk Part 1

426 47 5
                                    

Chapter 51: DarkPinion vs. DarkArk Part 1

Klenton's Point Of View

Mabilis ang takbo ko. Maingat na pinagmamasdan ang bawat madaanang tagong parte ng gubat lalo na sa may masukal o madilim na parte ng kakahuyang ito.

Bilog na bilog ang buwan at walang kahit kunting ulap na maaaring humarang sa sikat nito kaya't hindi mahirap sa akin ang tuntunin ang pwede kong madaanan.

Malamig ang simoy ng hangin na halos minu-minuto ring dumadaanan at hinahawi ang mga dahon ng kahoy. Maingay ang kaluskusan ng mga ito dahil sa bihirang lakas ng hampas ng hangin pero hindi naman ako tumigil sa aking pagtakbo hanggang sa tumigil din ang hanging umiistorbo sa aking pandama.

Siyam na minuto na. Siyam na minuto na ang dumaan at wala pa rin akong napapansin o naririnig man lang na naglalaban sa paligid.

Kahit gabi, hindi rason ang kadiliman na ito para hindi namin mabilis makita ang isa't-isa. Malakas ang sinag ng buwan kaya't wala rin yung masyadong ipinagbago at parang normal na vision lang ang nakikita namin.

Hindi ito tulad ng Mist Arena na pinaglalabanan namin noong nakaraan. Masasabi kong mas mahirap pa yun kaysa dito.

Malakas muling bumugso ang hangin kaya't dahil sa aking pagod huminto muna ako saglit, luhod ang kaliwang tuhod sa lupa habang mahinang hinihingal na pasimpleng inililibot lamang ang mata sa paligid.

Maraming lantang dahon ang napapasayaw ng hangin ngayon na dumadaan pa sa paligid ko, mula kaliwa pakanan. Pati ang aking buhok at damit ay nagawa rin nitong mahawi at mapasayaw pero nanatili akong nakayuko't hindi gumagalaw.

Nang sandaling tumigil ang ihip ng hangin muling bumalik ang katahimikan sa aking paligid. Sa sandaling din yun ay ang akin din namang pagtayo.

Kasabay may narinig naman akong tunog ng isang kuwago sa hindi ko matukoy na lokasyon. Imbes na humakbang na paalis, nilibot ko muna ang paningin sa paligid.

Tinitingnan ang bawat parte ng sanga ng mga kahoy na pumapalibot ngayon sa akin pati na sa may mga 'di kalayuan din. Nang wala akong maramdamang kakaiba nagpasya narin akong maglakad na kasabay ng paghinto ng huni ng kuwago.

Pero nakakadalawang hakbang pa lamang ako mabilis ko rin namang narinig muli ang sigaw ng ibon nayun kaya't kidlat din sa bilis na nabunot ko ang dagger sa aking likurang baywang gamit ang kanang kamay ko.

Sabay may narinig akong mahinang kaluskos sa aking itaas, kaya't nang maitingala ko ang aking ulo rito may dalawang palasong sobrang bilis na bumubulusok ngayon tungo sa mismong mga mata ko.

Kaya't mabilis din akong patalong umatras ng dalawang metro dahilan para sabay ding diretsong magsitarok ang mga palasong ito ng sobrang lalim sa lupang kaharap ko.

I heard another faint rustle from behind kaya't nang mapihit ko ang sarili paharap rito isang sobrang bilis na dagger agad ang kumawala sa dilim at bumulusok patusok sa mismong mukha ko. Hinilig ko lang ang aking leeg pakanan at dumiretsong dumaan lang ang dagger nayun papalayo sa akin.

Pero nang lingunin ko ang direksyon ng dagger na hindi pa man nakakaanim na metro mula sa aking likuran bigla ring may lumitaw na player doon at gamit ang dalang espada buong lakas at bilis din nitong pasalubong na iwinasiwas pahalang ang sandata't dahilan para taginting ding bumulusok pabalik sa akin ang tinamaan nitong dagger.

Mas mabilis yun kaysa sa unang hagis kanina kaya't isinabay ko ang aking pagpihit rito at ang paikot ko ding pagsipa sa mismong dagger paitaas na saktong sa pisngi lamang na bahagi ito natamaan kaya't hindi ako nasugatan bagkus ay tumalsik lang din ito sa ere almost at it's four meters high just above my head while in an extreme rotation dahil narin sa pwersang paglihis ng direksyon nito.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon