Episode #68: Inheritors

327 50 10
                                    

Chapter 68: Inheritors

Klenton's Point Of View

"Grabe, pre. Nakita mo ba yung balita ngayon?"

"Kahit ako hindi makapaniwala eh."

"Hindi naman talaga kapani-paniwala eh. Paano ba naman nahanap ang isang rank Z dungeon eh hindi naman yun nag-e-exist sa laro."

"Ang sabi pa, ang DarkPinion ang nakahanap dun."

"At natalo pa talaga nila ang dungeon. Sino bang maniniwala dun?"

"Pero totoo naman pala talaga ang dungeon. Nakakabigla lang talaga na ngayon lang nila yun nadiskubre. Nakakatakot diba?"

"Simula ng mabuo ang DarkPinion squad at lumitaw si Kleojuo. Nagsimula ng magbago ang system ng game."

"Kakaiba talaga ang taong yun. Ang dami nyang kayang gawin sa isang iglap lang."

Papasok na ako sa pagtatrabahuan ko nang matigil din nang may nagkukumpulang tao sa may entrance nitong restaurant.

Tumingin ako sa aking relo at napansing masyado pang maaga para magkaroon kami ng ganito karaming customer.

"Nandyan naba si Kleojuo?"

"Napaaga yata tayo masyado."

"Mukhang magbubukas pa lamang sila."

"Nasaan na yung manager nila? Hindi paba bubuksan ang pinto?"

"Hanggang kailan ba nila tayo paghihintayin dito?"

"Good morning! Anong problema? 'Di ka makapasok?" biglang may umakbay sa akin at napansing si Erik pala ito. Kasama nya si Carl.

"Pwede naman siguro tayong makiraan diba? Good morning din pala. " saad ko't natawa na lamang sya.

"Kapag nakilala ka nila sa ganyan kadaming kumpol siguradong hindi ka pa rin makakapasok sa loob ng ganun kadali. Sumunod ka. Dun tayo sa back door." at tinulak na nya ako sa isang eskinita para makaikot sa restaurant.

"Pero mas madali kung sa front door--"

"Dito ka rin dumaan." hinila na ni Erik si Carl bago pa ito dumiretso sa front door at sabay na nga kaming naglakad dito sa eskinita.

Narating namin ang back door at matagumpay namang nakapasok. It's locked from inside kaya ininform muna namin si manager para pagbuksan kami.

"Klenton. Masyado yatang maaga ang mga fans mo ngayon." biro ni manager sa akin kaya't napangiti nalang ako.

"Pasensya na po kung nadadamay kayo sa gulong ito." hingi ko rito ng paumanhin habang sinusuot na ang usual uniform namin bago magsimula sa trabaho.

Ngumiti si manager. "Ayos lang yun. Basta't hindi lang sila makakaabala sa mga trabaho natin welcome silang lahat dito. Let them know that, okay?"

"Lalabas na naman ba kayo, manager?" sabat ni Erik rito.

"Ah yeah. I need to attend something important today kaya ipapaubaya kona muna sa inyo ang lahat ng gawain dito."

"Kung kailan tayo busy tsaka kayo may lalakarin. Umiiwas lang yata kayo sa trabaho eh." biglang sabat ni Carl.

Kaya't tawang binatukan naman sya ni manager. "Loko-loko ka talaga. Ikaw ba boss ko?"

Kahit kami ni Erik lihim nalang ding napangiti. On the very first minute na pagbukas namin sa restaurant dinagsa na kaagad kami ng maraming tao rito.

Napuno na ang seats sa isang iglap lang at may nakaabang pa sa labas. Kahit sa may counter may nakaupo na rin at naghihintay na ma-entertain ng oorderin.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon