Episode #80: DarkPinion vs. Lancaster Part 5

284 44 5
                                    

Chapter 80: DarkPinion vs. Lancaster Part 5

Klenton's Point Of View

"Subukan mong gumalaw kahit isang pulgada ng katawan mo at tapos ka." mahinang bulong ko rito habang nakatutok pa rin ang mga daliri sa batok nya.

Looks like magkasabay lang kami ng dating ni Lenjin dito. It's good though. But the thing na wala na pati ang healer namin. Mukhang kailangan naming tapusin ng madalian ang labang ito.

Hindi sa umaasa lang kami sa healer. But without her, this match will not gonna be the same. Magiging unfair din naman yun sa kanila. But it's their own fault not recruiting any healer before this match. Mostly kasi, kahit malaki ang nagagawang tulong ng mga healers, they are not capable of fighting or defending themselves quite well kapag pinupuntirya sila ng kalaban.

Malaki nga ang porsyento na hindi ka kaagad mamamatay pero mababawasan naman ang offensive percentage ng grupo nyo. At magiging mahirap pa kung ang healer nyo ang unang mawawala sa laban nayun.

Hindi lang advantage ang makukuha mo rito, kundi meron ding disadvantage. Dalawang panig lang. Depende sa kung paano kikilos ang bawat isa sa inyo.

Nilingon ako ng mata ni Aikan habang hindi kumikilos ang katawan, our eyes met halfway. Napakakalmado nya pa rin. "You should have blown my head right now. Bakit hindi mo pa ginagawa? You already have the strength to finish it up in a blink." he's questioning me.

He's forfeiting already? "Kung yan ang gusto mo." bulong ko pabalik dito. Crow formed in my right shoulder at hindi rin nagtagal sobrang bilis ko itong pinabulusok patungo sa batok ni Aikan.

That was a direct hit, crashing the head awfully, splattering bloods everywhere, pero ang aking ikinagulat din ay nung bago pa man din maglaho ang pugot-ulo nitong katawan, he's body suddenly changes into a lightning energy with only a form of human.

A lightning clone!

Matalino sya.

At kasabay bigla ko ring nakita ang tunay na katawan yata ni Aikan na lumalabas na mula sa camouflage state nito na halos tatlong metro na lang ang distansya mula sa likuran ni Niko habang mabilis ang pag-sprint.

"Subukan mo'kong habulin ngayon, Kleojuo." tila may panghahamon na saad nito habang tumatakbo kaya't napabuntong-hininga na lang din akong gumawa ng dark dagger at buong lakas na ibinato pasunod sa kanya.

At nung halos dalawang metro na lang din ang distansya nya bago tuluyang maitama ang nababalot ng kidlat na kamao sa likod ni Niko, bigla ring mas mabilis pa sa kanyang lumagpas ang dagger na ibinato ko, dumaplis pa sa bandang kanang tainga nya't pumagitan sa kanilang dalawa.

Bago ko rin nilipat ang pwesto sa dagger kaya't nakaharang na ako ngayon kay Aikan habang magkatalikuran kami ni Niko. "Ayos na ba 'to?" saad ko rin bago salubong na buong lakas isinuntok paitaas sa panga ang kanang kamao kong nabalot ng dark gauntlet.

Nagkabitak ng sobrang lawak ang sementong kinatatayuan namin at tila muntik ng lumipad paitaas ang ulo nito habang lagpas apat na pulgadang nakalutang ang mga paa nito habang nakatingala sa langit sa lakas ng impact nung uppercut nayun.

At bago pa man din ito tuluyang tumalsik papalayo nilipat ko agad sa kaliwa ang dark gauntlet sabay abanteng buwelong isinuntok muli ito paibaba na direktang tumama sa nakatingalang mukha nito while in midair.

Another dynamic hit was launched reducing his face again in a more damage state from the first one, bumagsak sa sementong kaharap ko ayun sa direksyon ng wasiwas ng kamao ko. Cracking it away, at tila kidlat syang tumalsik diretso paibaba kasabay ng mga ilang debris.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon