"IMARU, ano pang ginagawa mo diyan? Tayo na. Alam mo naman kung ano ang parusa kapag hindi tayo pumunta diba?"
"Oo na." Mabilis na niligpit ni Imaru ang mga libro saka siya sumugod sa labas ng gusali at sumabay sa mga kaibigang sina Naru, Sasu at Sain. "Bakit ba tayo pinapapunta doon?"
"Ikakasal na raw ang prensepe. Ipapakilala sa atin kung sino ang magiging asawa niya." sagot ni Sasu.
"Sus," nasambit na lang niya pero mahina lang.
Nagdagsaan na rin ang iba pang mga tao sa palasyo. Lahat ng tao. Mga bata man o matatanda. May sakit man o wala. Kailangang pumunta doon. Mahigpit ang mga Ulome kaya kailangan nilang sumunod.
Ano nga ba ang mga Ulome?
Ang mga Ulome lang naman ang naghari-harian sa mundo ng tuluyan na yung masira. Ang mga ito ang nagligtas at tumulong sa mga tao para wag maubos. Kaya naman bilang kapalit ay sinasamba ng mga tao ang mga ito.
Pero hindi siya.
Sawa na siya sa mga Ulome. Hindi niya gusto ang mga ito at mas lalong hindi niya gusto ang pagha-hari-harian ng mga ito.
Itsurang tao ang mga Ulome bagammat mas matangkad sa mga karaniwang tao. Sobrang puti ng balat at mga buhok. May kakayahan rin silang gamitin ang utak nila ng limang beses kesa sa mga tao kaya naman marami silang kayang gawin. Siguro nga halos lahat ng magagawa ng mga tao.
Ang hindi lang kayang gawin ng mga ito ay ang ibalik sa dating ganda ang mundo.
Baggammat maganda ang lugar nila. Parang paraiso sa loob ng isang Dome na ginawa ng mga ito para protektahan ang lahat. Puno ng mga hayop, halaman at may sariwang tubig ang loob ng Dome. Maganda ang kalangitan at sariwa ang hangin.
Pero yun ay dahil, artipisyal laman ang lahat ng yun.
Ang totoong mundo, ay ang mundo sa labas ng Dome na yun na mistulang kalahating itlog na nakabaon sa lupa kapag sa labas tiningnan.
Malawak yun. Sobrang lawak. Kasing laki marahil ng isla ng Bohol pero ang lugar na yun na lang ang merong sibilisasyon. Hindi na nga nila alam kung anong lugar ang kinapapatungan nun. Kung sa Asya ba yun, Europa, Amerika o kahit saan.
Hindi na masisilip ang dating mga lugar na yun dahil wala ng natira sa mundo maliban sa alikabok. At wala na ring kahit na anong tubig.
Kaya, kahit sinong lumabas sa Dome. Imposibleng mabubuhay. Kaya naman, kahit sino sa kanila doon, walang nakakakita kung ano nga ba talaga ang totoong itsura sa labas. Nalalaman nilang dilikado sa labas ayun na rin sa sinasabi ng mga Ulome.
Isang siglo na ang nakakaraan ng masira ang mundo. Dati, puno ng sariwang hangin, mga malulusog na halaman at lupa, malinis na tubig at malawak na karagatan ang mundo. Pero ngayon, kapag lumabas ka sa Dome na yun, wala kang makikitang sariwa at malusog.
Ilang taon na rin ang nakakaraan ng tuluyang matuyo ang mga karagatan. Nakalbo ang ang mga bundok at namatay lahat ng puno. Madumi na ang hangin at tuyo ang mga lupa. Ni hindi na matamnan dahil dun.
Maraming tao ang namatay. Marami ang hindi nakaligtas sa sobrang pagbabago ng panahon.
Maya't-maya ay may dadating na malakas na bagyo. Pagkatapos ay susunod ang sobrang lakas na nyebe. Kikidlat, kukulog. Minsan pa ay mga mga sobrang lakas na buhawi ang dumadating. At ni minsan, wala ng nakakakita sa haring araw.
Kahit ang araw na nakikita nila ngayon sa kalangitan, ay peke. Gawa lang yun ng mistulang screen na bubong ng Dome. Gumagawa yun ng artipisyal na araw at kalangitan. Gumagawa rin ng malinis na hangin ang Dome. Hindi rin nasisira yun ng kahit na anong bagyo at kalamidad na nangyayari sa labas.
Totoo na payapa na ang pamumuhay nila doon. Pero hindi pa rin nababago na mga bilanggo sila.
Lahat ng mga tao doon, alipin. May sarili silang lugar. May sariling tirahan sa isang bahagi ng Dome pero yun ay dahil alipin lang sila. Lahat sila may ginagawa doon. Kung hindi man magsasaka ng mga pagkain na natira, ay gumagawa naman na kahit na ano. May nanahi, may nagluluto. Lahat ng mga gawain doon, mga tao ang gumagawa.
Ang tunay na naninirahan ng payapa doon, ay ang mga Ulome. At lahat ng Ulome doon ay may alipin na tao.
Ang kahit na sinong tao na makalabag sa mga patakaran doon ay agad na pinaparusahan. Pinakamalala na ang ilabas sa Dome at manatili ng dalawang oras doon. Wala pang kahit na sino ang nakaligtas sa parusang yun dahil lahat ay namamatay.
So yeah, parang death sentence na rin yun kaya ayaw magkasala ng mga tao.
Paano nga ba nasira ang mundo?
Ang dinig niya sa mga ninuno niya ay dahil naging abuso na raw ang mga tao. Dati naman, mga tao ang may kapangyarihan sa mundo. Mas marami sila. Dahil sa sobrang kasakiman ng mga tao ay pati ang kalikasan ay sinisira ng mga ito. Sguro hindi na nakayanan ng mundo ang nangyayari at tuluyan na itong bumigay.
Sa kakalakad nila ay narating rin ng lahat ang napakalawak na bakuran ng palasyo. Naroon ang lahat ng mga tao. As in lahat-lahat habang nakatingala sa balcony ng palasyo. Inaabangan ang paglabas ng mga namamahalang Ulome.
Naroon rin ang mga Ulome pero hindi naman lahat sa kanila ay kailangang pumunta.
Di katagalan ay lumabas na rin ang mga Ulome. Kung ano-ano ang sinasabi ng Reynang Ulome. Hindi na siya nakinig dahil paulit-ulit naman eh. Wala ring kabuluhan ang sinasabi nito.
Saka lumabas ang prensepe at ipinakilala ang mapapangasawa nito. Naagaw na ang atensyon niya ng tuluyang makita ang babaeng hindi inaasahan ng lahat kahit ng ilang mga Ulome na nanonood.
Totoo maganda ito. Mukha namang mabait pero hindi pa rin maitatago ng lahat ng yun kung ano ito. Hindi maitatago ng sungay nito sa noo at kulay ubeng balat nito kung ano ito. Isa itong halimaw.
May mga halimaw na ang nabubuhay sa mundo kahit noong una pa pero nagtatago ang mga ito. Kinatatakutan rin ang mga ito dahil mapanganib at mapanira. Nakokontrol naman ang mga ito noon.
Hindi na siguro siya magtataka kung magpakita ang mga ito.
Kaya lang, bakit ngayon pa? Sa taas ng panahon na nasa lugar silang yun, ba't ngayon pa? At bakit ito ang mapapangasawa ng Prensepeng Ulome?
Ang daming tanong sa isip niya pero hindi niya masagot ang lahat ng yun. kahit naman ayaw niya sa mga Ulome, mas ayaw niya sa mga halimaw na yun. Hindi siya sigurado kung ano ang mangyayari.
Maraming sinabi ang mga Ulome pero hindi na siya nakinig. Hindi rin siya interesado dahil nakatuon ang atensyon niya sa magiging prinsesa nila.
Kung mapapangasawa ito ng prensepe, ibig din bang sabihin, ang ilan pang mga halimaw na kalahi nito ay pwedeng doon na rin maninirahan sa Dome? Hindi ba't dilikado para sa kanilang mga tao yun dahil sila ang kinakain ng mga ito?
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...