Chapter 41

17 5 0
                                    

Bumuntong-hinga si Miyakira saka siya may kinuha sa likuran. Isa yung manipis na tali.

Lumapit ito kay Naru saka sinimulang talian ang isang kamay nito. Ganoon na rin ang ginawa nito sa iba pang mga tao. Tinalian na rin nito ang ibang Diyosa pati ang sarili nito.

"Ano naman to? Para hindi kami kainin ng ilusyon?" tanong ni Takari.

"Hindi. Para hindi kayo humiwalay sa isa't-isa habang nasa ilusyon. Gigisingin lang namin kayo kapag nangyari yun." Paliwanag nito.

"Dapat ba kaming maging panatag sa sinabi mo?" tanong ni Sain.

"Wala ng ibang paraan."

"Okay. Go. Gawin na natin to." Si Naru.

"Wag kang masyadong atat. Baka ayaw mo ng magising kapag nakita ang pinakagusto mo sa lahat." Sagot naman ni Takari dito.

Tumingin ito sa kaniya. "Alam ko na kung ano ang pinakagusto mong mangyari?" nagawa pang manukso. "Magpakasal kayo ni Imaru noh?"

"Lol!" natatawang sagot ni Takari dito.

Nagulat ito. "Aba! Hindi ka galit? Ibig sabihin mali ako?"

"Maling-mali ka talaga baliw! Wag mo kasing pinapangunahan."

Natawa lang si Kazumi. "Tayo na." Aniya saka sumunod kay Miyakira na nauna na.

Si Miyakira kasi ang nasa dulo ng tali. Sunod siya. Si Sasu, si Hikari saka si Sain, si Naru, si Takari at si Imaru.

"Talaga? Eh ano bang pinakagusto mo?" pangungulit nito kahit naglalakad na sila.

"Ano namang pakialam mo kung ano ang pinakagusto ko? Bakit? May mapapala ka ba kung sakaling malaman mo?"

"Hindi. Malungkot kasi si Imaru eh. Concern friend lang ako."

Mabilis na tiningnan ni Takari si Imaru.

Nakasimangot na ito habang nakatitig ng masama kay Naru. Ang lakas naman ng tawa ng blonde na lalaki.

"Naru, wag ka ngang maingay." Sita ni Sain dito.

"Malungkot ka?" tanong ni Takari kay Imaru.

"Ano naman ang pakialam ko kung nagpa-pantasya ka sa akin?"

Napasinghap ng malakas si Takari. Tumawa ulit ng malutong si Naru.

"Naru!" sita na ng lahat.

"Fine. Killjoy naman kayo eh!" reklamo nito. Pero binigyan nito ng makahulugang titig si Takari na nakatitig ng masama sa kaniya.

"Ganyan ba talaga ang mga kaibigan mo?" tanong ni Hikari kay Sain.

"Pala-asar si Naru, oo. Pero ngayon lang na inaasar niya ng sobra sina Imaru at Takari." Sagot niya. Tinitigan ni Sain ang Diyosa. Ngayon ay hindi na ito sobrang clingy sa kaniya. Naging normal na rin ito sa wakas.

Tumango lang ito. "Mga tao kayo eh. Kaya ayos lang yun. Diba?" tanong nito.

"Sabi ni Kazumi, hindi niyo na daw kailangang magkagusto." Singit ni Sasu sa kanila.

"Hoy," sagot ni Kazumi na halatang nadinig yun.

"Siguro siya." sagot nito na natawa lang. Napasimangot naman si Kazumi saka tinitigan ang babae. "I mean, maraming beses na akong nagkagusto dati. Oo Diyosa ako, pero karapatan ko rin namang magkagusto eh." Sagot ng Diyosa ng Kidlat.

"Marami na siyang naging kasintahan na tao noon." Wika naman ni Miyakira na nakikinig pala. "Pwede niyo na rin siyang tawaging Goddess of Flirt."

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon