Chapter 38

21 4 0
                                    


"Hikari," tawag ni Miyakira sa babae. "Hahayaan mo bang tulungan tayo ng mga taong to?"

"Bakit naman hindi?" tiningnan nito ang mga lalaki. "Mas okay na nga yun para madali nating mababawi ang mga Gem, ngayon pang gusto silang pabalikin ng mga Ulome sa Dome."

Nagkatinginan lang sila. May katwiran naman kasi ito.

"Pero dapat ba akong magpasalamat na hinahanap tayo ng mga tao?" patuloy nito. "O dapat akong magpasalamat na mga lalaki ang naghahanap sa atin?"

"Hikari," mahinang sita ni Kazumi sa babae.

Tumawa ito ng malutong at walang babala na naupo ito sa gitna ng mga lalaki na nagulat pa. Lalong lalo na sina Sain at Naru na nasa tabi nito. Inakabayan pa nito ang dalawa na parehong nagulat.

"Ewan ko sa inyo pero bet ko sila." Humagikhik pa ito.

Inikot na lang ni Kazumi ang itim na mata. Napailing naman si Miyakira at walang kibo si Iminako. Nakanganga naman sa sobrang gulat si Takari.

Itinikom na lang ni Imaru ang bibig nito.

So yun pala ang ibig sabihin na mag-ingat sila dito.

"Well, sino sa kanila ang type niyo?" tanong pa nito sa mga Diyosa.

"Hikari," ulit ni Kazumi. "Nagpunta kami dito para malaman mo rin kung ano ang plano namin. Sa tagal na panahon, ngayon lang tayo nabigyan ng pagkakataon na makuha ang Gem sa tulong nila."

"Sabi ko naman sa inyo, walang problema sa akin diba? Tutulong ako hanggang sa makakaya ko. Ang mahalaga ay makuha ulit natin ang Gem natin." Nakangiting sagot nito.

Napangiti si Iminako ng makitang nag-eenjoy yata si Naru sa ginagawang akbay ni Hikari dito. Dumidikit kasi sa pisngi nito ang dibdib nitong medyo malaki rin. Si Sain naman nakasimangot na.

"Mukhang enjoy na enjoy ka ah!" tanong niya dito.

"Hindi ah!" pero pinapamulahan na ito ng bongga.

"Di ano pang hinihintay natin dito? Puntahan na natin sina Wunesa at Inaka ng matapos agad tayo. Ayaw kong hintayin na tugisin tayo ng mga halimaw." Tumayo na si Miyakira.

"Siguro alam na rin ng mga Ulome na natagpuan na namin ang mga Diyosa." Si Sasu kaya tiningnan nila ito. "Nakita na kayo ng mga halimaw at nakita nila ang kakayahan ni Iminako. Siguradong magiging mas malaking gulo ito."

"Ano pang hinihintay natin?" tininingnan nila si Hikari.

Sinusundot na nito ang pisngi ng nahihiyang si Sain. Halatang enjoy na nakikipag-harutan sa lalaki.

"Hikari," tawag ni Kazumi.

"Oo na." Tumayo na rin ito sa wakas. "Share tayo ng ibon ha?" sinundot pa nito si Sain bago naunang naglakad.

"Mukhang type ka niya." natatawang tukso ni Naru sa kaibigan. Siniko pa niya ito.

"Pwede bang tumigil ka." Sagot lang nito.

"Sino ang pupuntahan natin?" tanong ni Imaru kay Kazumi.

"Ang Diyosa ng Nyebe. Si Wunesa. Malapit lang naman dito ang palasyo niya kaya makakarating din tayo agad." Sagot nito.

"Bakit hindi natin unahin ang Diyosa ng Bahaghari?" tanong naman ni Sasu.

"Siguradong mahihirapan tayong kombinsihin siya. Sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa nangyari sa Diyosa ng Tubig eh."

"Di naman niya kasalanan yun diba?" Si Takari. "Kayo na ang nagsabing nilinlang lang siya."

"Ilang beses na namin siyang sinubukang kausapin pero ayaw niyang makinig eh. Hindi ko nga alam kung ano na ang nagyari doon eh."

"Baka nag-bigti na yun." Komento ni Iminako.

"Iminako, pwede ba?" mahinahon niyang asik dito.

"Dinalaw ko si Inaka isang beses pero hindi ko siya makausap ng maayos eh. Sa malamang, nagbigti na yun ngayon."

"Gusto mo talagang mamatay ang kaibigan mo noh?" tanong ni Naru dito.

"Hindi naman sa ganoon. Pero kung sobra-sobra ang pagdaramdam niya sa nangyari ay pwede nga niyang gawin yun."

"Paano natin siya makokombinsi kung ganoon pala ang kalagayan niya?" tanong ni Imaru.

"Umaasa akong kayo ang makaka-kombinsi sa kaniya. Baka sakaling maniwala siya sa mga tao eh. Kahit papaano, siya pa rin ang Diyosa ng Bahaghari at malapit ang mga tao sa kaniya."

"Pwede ring hindi." Singit ni Miyakira sa kanila. "Baka kabaligtaran. Baka dahil sa nangyari ay ayaw na niyang magtiwala sa kahit na sino ulit. Hindi natin alam." Ngumiti pa ito.

Sobrang nega talaga.

"Miyakira, hindi siya tulad mo." Sagot ni Iminako.

Sumimangot lang ito.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" tumingin sa kanila si Hikari. Nahinto rin ito.

"Si Inaka. Masama pa rin ang loob non dahil sa nangyari diba? Anong malay natin kung ano na ang nagyari sa kaniya doon sa palasyo niya." sagot ni Kazumi.

"Hindi niyo pala alam?"

Nagulat sila sa sinabi nito.

"Anong hindi namin alam?" si Miyakira.

"Umalis ng palasyo si Inaka. Dinalaw niya ako dito minsan at sinabing wag muna siyang hanapin. Who knows kung saang lupalop na yun ng mundo napadpad."

"Ano?!" gulat na bulalas ng mga Diyosa.

"Tika, Iminako. Hindi ba't hinahanap mo rin ang Diyosa ng Tubig? Hindi mo ba nakita si Inaka?"

"Paano ko naman siya makikita eh hindi naman siya ang hinahanap ko?"

"Pero naghahanap ka pa rin."

"Tika lang," singit na ni Kazumi. "Kailan nangyari to? Gaano na katagal?"

Nag-isip ito saglit saka nagbilang pa. "Isang dekada na."

"Ano?!" Mas lalo silang nagulat.

Kunot-noong tiningnan na lang ni Takari ang mga kasamang lalaki na may pagtataka na rin sa anyo. Hindi kasi nila maintindihan ang pinag-uusapan ng mga Diyosa eh. Basta ang alam lang nila ay dalawang Diyosa na ang nawawala.

Ano na kaya ang nangyari sa dalawang Diyosa na yun?

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon